ITINANGGI NI Aljur Abrenica na na-insecure siya sa dami ng projects ni Alden Richards kaya siya nagsampa ng reklamo laban sa GMA-7.
Nakorner namin ni katotong Arniel Serato si Aljur sa birthday concert ni Michael Pangilinan sa Music Museum.
“I am happy for Alden, sa lahat ng nangyayari sa career niya kasi, pare-parehas kaming talent na naghahanap-buhay. Just like Alden ay nanggaling din ako sa probinsiya. Kung anuman ang tinatamasa niyang tagumpay, ‘yon ay dahil sa paghihirap, pagsisikap niya. Nakita ko naman ‘yon sa kanya,” paliwanag ni Aljur.
“Iba ‘yon, iba ‘yung sa kanya, iba ‘yung sa akin. Iba ang path niya, iba ang path ko. Meron akong inilalaban na sad to say… ikinalulungkot ko na kailangang umabot sa ganito para marinig ako. Sa puso ko, kailangan talagang mangyari ito. Mali man, pero at least sa nangyaring ito ay meron akong natutunan, meron akong pagsisisi, meron din akong pagpapasalamat,” dagdag pa niya.
Pinaaabangan niya ang pagbabalik niya sa GMA-7. Sinabi niyang meron pa rin naman siyang communications with the network executives. “Opo, nag-uusap naman kami. Never nawala ang communication ko with GMA-7.”
Nagpasalamat din ang binata sa suportang nakukuha niya from loyal fans. “Sa lahat ng nandiyan, maraming-maraming salamat sa suportang ibinibigay n’yo. Sa mga nabigo, nasaktan, nagulat, pagpasensiyahan n’yo na po, dahil tao lang po tayo. Ang ipinagpapasalamat ko lang ay marami tayong natutunan.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas