BLIND ITEM: Minsan nang namuro ang showbiz mom na ito sa isang paaralan sa Rizal Province dahil sa kanyang walang-habas na pagtataray nang lumagpak noong isang taon ang kanyang anak na nasa Grade V.
Makatuwiran naman ang mahinahong paliwanag ng class adviser nang sugurin at talak-talakan siya ng showbiz mom. Ibinagsak daw niya ang bagets sa isang subject dahil sa kawalan nito ng partisipasyon sa mga aktibidades sa klase.
Pero hindi ‘yon matanggap ng ina. Aniya, tungkulin daw ng mga titser na pilitin ang mga batang magsipag-aral nang mabuti. “So, are you telling me, (pangalan ng showbiz mom), that I should pass your son?” Humirit pa raw ang madir, hindi naman daw ‘yon ang kanyang ibig sabihin pero ipinapasa pa rin niya ang kasalanan sa guro kung bakit lumagpak ang anak.
But too late. The young student had to take remedial lessons para maipagpatuloy nito ang kanyang huling taon sa elementarya.
Awa ng Diyos, gumradweyt na kamakailan ang bagets. Sa naturang commencement exercises na nakaiskedyul nang umaga, isang misa muna ang idaraos. Naatasang magdala ang kanyang ina ng basket of fruits sa offertory, she was supposed to be at the end of the line.
Hindi raw masimulan ang misa, wala pa kasi ang showbiz mom to think na siya na lang pala ang hinihintay? Finally, she arrived. Kaso, waley ni tangkay ng prutas na in-assign sa kanya na dadalhin!
Ending, hindi pa rin daw nasimulan ang misa. Inutusan pa ng showbiz mom ang kanyang driver na bumili sa malapit na fruit stand ng basket ng mga prutas. Iritang-irita ang buong faculty ng paaralang ‘yon, “Huwag niyang sabihing (apelyido ng showbiz mom) siya, huwag niya kaming showbiz-in dahil hindi kami showbiz! We are from the academe!”
Da who ang showbiz mom na ito? Isyogo na lang natin siya sa pangalang Mia Pamplona.
ALJUR ABRENICA had better shape up, not in terms of his physique, pero sa aspeto ng propesyunalismo at dedikasyon sa kanyang trabaho.
Just last week, inireklamo siya ng executive producer ng isang kiddie show on two grounds: una, late na nga siyang dumating sa set ay pinagmamadali pa raw niya ang produksiyon para isalang siya agad; ikalawa, wala siyang dalawang summer shorts as required.
Sa isang liblib na lugar sa San Pablo, Laguna ang lokasyon ng taping. Aljur was instructed to report to the set at 10 a.m., pero dumating ito pasado alas dose na ng tang-hali. Strike One na siya sa EP ng programa, how dare Aljur make the kids wait under the scorching heat of the sun pa mandin?
Atrasado na nga raw dumating ang hunk young actor, but he insisted that scenes involving him be taken ASAP dahil se-segue pa raw siya sa isa pang taping (for sure, late din siya roon, and a likely talak from its production head could be another bomb waiting to explode!).
‘Eto na, pinagbibihis na si Aljur ng summer shorts, kaso, nakalimutan daw niyang magdala. Sa isang lawa (lake) kasi in that far-flung area kukunan ang mga eksena ni Aljur. Lalo pang uminit ang ulo ng EP na sumasabay sa panahon. Ang ending, inililis na lang ang kanyang maong jeans hanggang hita niya.
The EP did not take Aljur’s sheer lack of professionalism sitting down. Isinumbong niya ang aktor sa GMA Artist Center, ewan kung ano ang sanctions sa kanya ng pinunong si Arsi Baltazar (who succeeded Ida Ramos-Henares).
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III