Aljur Abrenica, labas ang nota sa isang website?!

THE LEGAL battle between Annabelle Rama and Nadia Montengro continues as the outgoing week has become even more tension-filled.

Nitong Lunes, after not showing up the previous Monday, Annabelle heeded the call of the San Juan City Prosecutor na sumipot along with her lawyers sa preliminary investigation kaugnay ng kasong theft na inihain niya laban kay Nadia.

Humarap si Annabelle kay State Prosecutor Ma. Cristina Julasco accompanied by her two lawyers as she presented her two witnesses, isa roon ay ang kanyang alagang si Miriam Quiambao. The former beauty queen’s name was dropped by Nadia as having allegedly benefitted from the several pieces of furniture (isang sofa) na umano’y ninakaw ng huli.

Ang ikalawang witness na iniharap ng kampo ni Annabelle ay ang katiwala niyang si Mang Rudy, na umano’y nakasaksi sa paghahakot ni Nadia ng mga nakaw na kasangkapan.

No-show si Nadia dahil hindi naman daw kailangan ang kanyang presensiya, ayon sa kanyang abogadong si Atty. Maggie Abraham.

Kamakakalawa, Miyerkules, the two warring parties once again crossed paths, this time before Fiscal Jovie  Calderon of the Quezon City Prosecutor’s Office. Kaugnay naman ito ng reklamong child abuse na isinampa ni Nadia laban kay Annabelle involving the former’s two minor daughters  at the San Juan court.

Sa pagdinig pa lang na sinipot ni Annabelle nitong Lunes, nagbanta siyang magsasampa ng kasong libelo laban kay Ynna Asistio kaugnay ng pahayag nito na ibinugaw umano ng kanilang manager (Annabelle) ang kanyang dalawang kapatid.

Kahapon, Huwebes, nasa Quezon City Fiscal’s Office naman sina Annabelle at Nadia. Doon naman dininig ang patung-patong na asuntong grave oral defamation, grave coercion at attempted murder na inihain ni Nadia laban kay Annabelle based on the January 30 incident at the San Juan court.

Such change of court venue ay alinsunod sa ipinag-utos ng hukuman sa kampo ni Nadia na ipa-consolidate na lang ang lahat ng mga kasong inihain niya laban kay Annabelle. Such complaints include the ones previously stated, ang child abuse at ang libel. Welcome idea naman ang naturang consolidation kay Annabelle, who stands her ground na haharapin niyang lahat ang mga naturang asunto.

Three hearing days this week, parang isang linggong pag-ibig lang. But unlike Imelda Papin’s song, the Annabelle-Nadia  “legal duet” is not music to their ears.

NAKA-BLURRED MAN ang kanyang mukha, pero halatang si Aljur Abrenica ang kinakitaan ng “frontal exposure” sa isang website being referred to as the actor who has a Middle Eastern gay benefactor.

Maaaring hindi nabalitaan ng marami, pero third week nitong January ay nagtungo si Aljur sa Middle East particularly in Kuwait. Totoong the young actor has found a friend in a Bedouin (Arab), pero nag-sponsor lang daw ito ng kanyang official trip or whatever.

Kung tutuusin, hindi na bago ang tsismis na nag-uugnay kay Aljur sa mga bakla, whether local or foreign. Although his looks cater more to the bading market, gusto naming isipin na nabibigyan pa naman siya ng trabaho sa GMA para hindi maghanap ng alternative income source through an equally lucrative pamamakla.

More than this unlikely profession, mas dapat pagtuunan ng pansin ni Aljur ang kanyang pag-arte para hindi siya mabansagang HUNK nga, HAM naman.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous article‘Di raw tutulad kay Albie Casiño Alwyn Uytingco, ‘di tatakbuhan si Jennica Garcia kung sakaling mabuntis!
Next articleLuis Manzano at Jennylyn Mercado, linggo-linggong magkasama sa Batangas!

No posts to display