Aljur Abrenica, laging isinasama si Kylie Padilla sa mga desisyon niya

EVERYTHING FALLS into its proper places. Gano’n daw ang pakiramdam ni Aljur Abrenica tungkol sa kasalukuyang takbo ng buhay niya.

Okey ang kanyang career. Maganda ang feedback sa Coffee Prince na balik-tambalan nila ni Kris Bernal. Tila wala ring problema sa kanila ng rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla lalo pa at nagkausap daw ulit sina Aljur at Robin Padilla na ama ng young actress.

“Naging maayos naman po ang usapan namin. And kung ano naman po ‘yong mga gusto naming sabihin sa isa’t isa, nasabi naman po namin lahat.

“Malinis naman po talaga ang hangarin ko kay Kylie. At ‘yon ang sinisikap kong patunayan.”

Okey na kay Robin ang relasyon nila ni Kylie?

“Hindi ko alam. Siya na lang ang tanungin ninyo. Ako naman po kasi, hangga’t maaari, eh sinusunod ko po ‘yong gusto nila. Siyempre bilang isang ama, rerespetuhin n’yo rin po siya. At saka ‘yong pamilya nila. At saka ‘yong relihiyon nila rerespetuhin mo ‘yon, eh.

“Ang akin lang naman kasi, ang pinanggaga-lingan ko lang naman kasi, kaya ko po nagagawa ito… eh para kay Kylie. At kung masaya po si Kylie, masaya na rin po ako.

“Maayos po kami ngayon. Nagkikita kami minsan. Nagkakausap naman po kami. Pero hindi po namin talaga pinapabayaan ‘yong trabaho namin. Mas priority po namin ‘yong trabaho.

“Oo, eh. Kasi kung saan man ako, kasama rin si Kylie. Kasama rin siya sa mga desisyon ko, kung nasaan man po ako ngayon.”

Ganyan?

FRESH FROM her trip abroad, balik-trabaho agad bilang Chief ng Public Attorney’s Office (PAO) si Atty. Persida Acosta.  At isa sa mga talagang tinututukan niya ay ang paggulong ng kaso ni Bonita Baran, ang kasambahay na diumano’y minaltrato ng kanyang amo na naging dahilan ng pagkabulag nito.

Galing sa Mexico si Atty. Acosta para sa pagpupulong kaugnay ng paksang international standard on treatment of prisoners na ginanap last October 30. November 3 naman ay tumanggap siya ng Gawad Amerika Award para sa larangan ng public service na ginanap naman sa Los Angeles, California.

Marami nang parangal siyang natanggap kaugnay ng kanyang pagiging isang public servant. At ito raw ang nagsisilbing inspirasyon niya para gampanan pang mabuti ang kanyang pagiging PAO Chief.

Isyu ulit ngayon na ibalik ang death penalty. Pero hindi raw pabor dito si Atty. Acosta.

Matatandaan na siya nga ang nagpatigil nito. Noong 2004, bibitayin na sana ‘yong mahigit dalawang daan na nasa death row.

Nag-file sila ng motion to reopen the case ng ilan sa mga nasentesiyahan ng bitay at maging ng suspension of execution. Na naipanalo naman nila. And then after one year and a half, naglabas naman ang Congress ng republic act na suspended na ang death penalty.

Sinasabi ng iba, kapag walang parusang bitay ay mas nagiging talamak ang heinous crime. Ano ang reaksiyon niya hinggil dito?

“Hindi po. Ang bitay ay irreversible. Kapag ang taong nabitay ay inosente, eh wala nang kakaya-hang kumuha ng ebidensiya. At marami pong naging kaso sa buong mundo na nabitay. At pagkatapos mabitay ay saka lumalabas ‘yong mga bagong ebidensiya na inosente pala.

“At saka ang pagbawi sa buhay ng isang tao ay nasa kamay ng Panginoong Diyos. Hindi dapat na ang ating bilibid ay maging parang slaughter house.”

Actually, may point din nga si Atty. Acosta sa hindi niya pagpabor na ibalik ang death penalty dito sa Pilipinas.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articlePasyenteng Ayaw Palabasin sa Ospital
Next articleAga Muhlach, inilalaglag

No posts to display