Aljur Abrenica, maagang magba-babu sa showbiz

Aljur-AbrenicaWHAT IF hindi pumayag ng GMA Artists Center pakawalan si Aljur Abrenica? Malamang sa hindi, may bagong flavor ng ice cream na ilo-launch ang Kapuso Network na p’wede nilang tawagin na Double A dahil sa naging move ng binata laban sa kanyang mother studio kamakailan.

The fact na ang GMA ang namuhunan sa aktor sa simula’t simula pa lang ng kanyang career mula nang manalo sa Starstruck in 2007 as The Ultimate Hunk with lead roles sa mga teleserye like Machete at isang movie with Kris Bernal under the direction of Maryo J. delos Reyes at ang latest ay ang Kambal Sirena (directed by Dondon Santos) just to name a few; tila hindi pa rin kumbinsido at kuntento si Aljur sa ginawa at ginagawa na magandang plano ng kanyang mother studio.

Tama ang bulong sa amin ng isang GMA insider na si Alden Richard ang nag-trigger lalo sa binata na mag-alburoto para magreklamo at nag-file kamakailan ng kaso laban sa GMA para i-release siya. Angal ni Aljur, mas senior siyang ‘di hamak kaysa kay Alden, pero mas maganda ang role na ibinibigay kay Alden kaysa sa kanya, lalo na sa bagong serye sana na pagsasamahan nilang dalawa. Tuloy napailing na lang kami.

Sabi ng isang mataray na insider sa GMA Artists Center. “‘Di hamak na mas marunong umarte si Alden kaysa sa kanya. Siyempre du’n namin ibibigay ang mahalagang role sa mga artists namin na nakaaarte. Sa totoo lang ang tagal na niya sa showbiz but until now, wala nang mapiga sa kanya para makita mo man lang na p’wede siya sa important dramatic lead roles. As long na wala ka pang napapatunayan, lulutang ka talaga at walang mangyayari sa ‘yo.

“Ang daming magagaling na new talents sa amin. Bukod kay Alden may promise si Mike Tan na magpaka-aktor na p’wedeng i-develop. And’yan ang mga baguhan like Kristoffer Martin and Hero Paralta na mas magaling sa kanyang umarte,” kuwento ng kausap naming insider.

Kung lilipat ang binata sa Kapamilya Network, wala siyang pupuwestuhan at maraming magagaling umarte at pambida ang prayoridad ng istasyon. Kung may plano man siya na ‘pag nai-release siya ng GMA ay magsasama sila ng kapatid niyang si Vince Abrenica sa istasyon ni MVP, mas lalong maaga siyang magpapaalam sa kanyang showbiz career.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articlePiolo Pascual, inapi sa teleserye?
Next articleAljur Abrenica, ang lakas ng loob labanan ang network

No posts to display