PARANG NASA cloud 9 daw ang GMAAC Prime Artist na si Aljur Abrenica nang makara-
ting sa kanya ang balitang umamin na sa kani-lang dalawang taong relasyon si Kylie Padilla.
Isinama na nga ni Aljur si Kylie sa kanyang bagong bahay at isa ito sa tumutulong sa pag-i-interior ng napakalaking bahay ng actor na aabangan sa Indio.
“Well, siyempre, kapag babae na ang umamin, maitutu-ring ko ang sarili ko na isa na sa masuwerteng lalaki. Kasi, si Kylie ‘yan. Galing sa respetadong pamilya.
“Kahit sino naman, ‘di ba? Kung iisipin mo na si Kylie ang nagmahal sa ‘yo, napakasuwerte ko. And I think, siya na rin ang nag-decide na aminin namin.
“Pero ngayon na umamin naman kami na yes, kami nga, sana hanggang doon na lang. Then, ‘yung mga meron kami, sana kung hangga’t maaari, sa mga susunod, ibalato na sa amin ‘yun,” pagtatapos ni Aljur.
ANG MAGING direktor daw bukod sa pag-aartista ang gustong maging ng mahusay na teen actor na si Kristoffer Martin. Kaya naman daw balak nitong mag-enroll sa Asia Pacific Film Institute ng Directing.
Kaya naman daw every taping ay inoobserbahan daw ni Kristoffer kung papano mag-direk ang kanyang mga nakakatrabahong director nang sa gayon ay may konting idea na siya at mas lalawak ang kaalaman kapag nag-take na siya ng kursong Directing.
Bukod sa Directing, isa rin sa pangarap ni Kristoffer ang maging recording artist kung pagkakatiwalaan ng album. Dahil bago siya naging artista ay isa ito sa nakapanabayan ni Sam Concepcion na umaawit sa kabilang TV network. Natuwa nga ito na isa siya sa kakanta ng theme song ng My Lady Boss na I’ll Never Go.
Masaya rin si Kristoffer dahil kahit hindi pa natatapos ang Pahiram ng Sandali ay may bago na siyang proyekto bilang leading man ni Kim Rodriguez sa Serpentina, Ang Kakambal ni Elliana.
TWO IN a row nang nagwawagi for Best Actress in Single Performance sa telebisyon ang mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez para sa mahusay niyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya at sa Untold Stories ng TV 5.
Una itong nagwagi sa Philippine Movie Press Club Star Awards For Television last year for Best Single Performance by an Actress, at ngayong taon naman ay sa ENPRESS Golden Screen Awards for TV bilang Outstanding Performance by An Actress in A Single Drama o Telemovie Program for ‘Kahit Ako’y Mangmang’ episode ng Untold Stories.
Tsika nga ni Ms. Sylvia, ang kanyang mga napapanalunang tropeo ang nagsisilbing inspirasyon sa kanya para paghusayan pa ang kanyang trabaho sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.
John’s Point
by John Fontanilla