MASAYA SI Aljur Abrenica sa magandang takbo ng career ng kanyang kapatid na si Vin sa TV5. Bukod kasi sa pagkakaroon nito ng teleseryeng Never say Goodbye, balita naman ngayon na nakatakda na raw itong gumawa ng isang album sa isang recording company.
Pero hindi pa raw sinabi ni Vin sa kanya ang tungkol dito kaya nagulat siya nang ipaalam namin ito sa kanya. Aniya, “Wow, ‘di ko pa alam, well malaking bagay ‘yan, congratulations! Kasi ito talaga ‘yung… mga bata pa lang kami, ‘yun ‘yung mga pangarap namin na magka-album, eh… kasi musically-inclined family kami. When it comes to music, talagang napaka-passionate namin, lalo na si Vin. Ako, excited ako for him.”
May balita ring ayaw diumano niya ng negative comparison sa kanilang magkapatid. Pero depensa niya, “Hindi naman. Uhm… pagdating kasi sa amin ni Vin, ‘pag pinagko-compare lang kami talagang dini-defend ko lang ‘yung mga negative.”
Marami rin ang nagsasabing mas may lalim at mas magaling umarte si Vin sa kanya. Ano kaya ang reksiyon niya rito? Pag-amin niya, “Ako, oo, oo naman, kung sasabihin ng mga tao ‘yun kahit sa harapan ko, kahit sa likod ko, tanggap ko ‘yun. Kung ganu’n naman talaga eh, tanggap ko ‘yun dahil kapatid ko ‘yun, eh. Tsaka pangalawa, nakita ko naman ‘yung paghihirap na dinaanan ni Vin.”
Last December, nang makausap namin si Aljur ay parang kinumpirma niyang nagkalabuan na sila ng rumored girlfriend na si Kylie Padilla. Sagot niya noon, “Break? Ni Kylie? Wala namang magbi-break kung ‘di naman kami.”
Pero kahapon, masaya niyang ikinuwento ang tungkol sa naging Valentine’s nilang dalawa. So, back in each other’s arms na ulit sila. Paano kaya niya niligawan ang ama nitong si Robin Padilla? Kuwento niya, “Well ako, ako kasi ang masasabi ko riyan, mahirap magsalita. Kasi pagdating diyan eh, lalo na sa relasyon namin ni Kylie, ako kasi naging consistent ako. And kumbaga, tao lang, tao lang si Kylie, hindi naman siguro kasalanan na mahulog ang loob namin sa isa’t isa.”
Dagdag pa niya, “Kumbaga lahat tayo dumadaan talaga sa ganyan eh, hindi mo sinasadya na ma-in love ka sa isang tao. So, nangyari sa amin ni Kylie ‘yun at ipinaglaban ko lang ‘yung nararamdaman ko.”
Ilang buwan na kaya ang relasyon nila? Sagot nito, “Matagal-tagal na rin. Actually ‘yung sa amin ni Kylie, I would like to take it personally, pero mahal namin (media) kayo. Sinasabi ko na rin… ‘yung ibang detalye… paunti-unti, kasi nag-iingat din tayo.”
Ano bang traits nito ang nagustuhan niya? Saad niya, “Si Kylie kasi meron siyang… meron sa kanya na hinahangaan ko talaga ‘yung pagkato niya, lalo na ‘yung… napakabuti kasi ng puso niyan, eh. Napakabait, meron siyang sariling paninindigan… kapag may sinasabi siya, paninindigan niya.”
MARIING PINABULAANAN ni John Prats ang bansag sa kanyang ‘babaero’. Ito ay kanyang nilinaw sa Bandila co-host na si Boy Abunda sa live guesting nito last Tuesday, February 19.
Depensa ni John sa sarili, “Well, it’s not flattering.”
Malayo kaya ito o malapit sa katotohanan? Sagot ng tinaguriang Dancefloor Dynamite, “Well, for me sasabihin kong hindi. Kasi lahat naman ng relasyong pinasok ko, binigay ko naman lahat, eh. And it’s kinda frustrating kasi [‘di siya nagwo-work.”
Lapitin ba talaga siya ng mga babae? Natatawang sagot nito, “’Di ko masabing lapitin ako.”
Sunod na tanong sa kanya, “There’s also this perception na parang hindi nawawalan ng girlfriend si John Prats, anong reaction mo dito?”
Saad niya, “Ayun nga eh, ‘yun ‘yung sinasabi ko. Pero hindi. Siguro na-realize ng mga tao ‘yun dahil, like after my last relationship a year ago (single ako for 1 year.)”
Pero bakit hindi napapansin ng mga tao? Sagot niya, “Maybe because ‘yun nga, public kasi, very… alam ng publiko ‘yung mga nangyayari sa ‘yo.”
Baka raw kasi ganu’n ang impresyon sa kanya ng tao dahil hindi daw talaga nagsasalita si John tungkol sa break-ups niya.
Are you faithful? Tugon niya, “Sobra. Never akong nag two-time, never akong nagsabay ng dalawang babae sa isang relasyon.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato