DALAWANG GABI ginanap ang Bench Universe, ang bonggacious na 25th anniversary ng Bench, ang biggest and most successful local brand na umabot na globally ang branches, kaya fitting venue ang The Arena sa may SM Mall of Asia at mas malaki pa sa Araneta Coliseum.
On both shows, present kami and pansin lang namin, mas wild at mas appreciative ang crowd noong second night.
Pero may “bago” sa second night. Kung sa first night ay hanggang topless pa rin at naka-jeans lang na rumampa ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica, sa second night, finally, eh nagpakita na rin siya ng “bukol” in just wearing briefs on stage!
Yes, finally ay nagdesisyon na rin si Aljur na magpa-“sight” ng bulge in his underwear, na ikinaimbiyerna ng mga nag-watch nu’ng first night, dahil nagpaka-KJ si Aljur. Pero marahil, need niyang gumawa ng eksena upang mapag-usapan, kaya ayun at ibinaba na niya ang kanyang pants, huh!
Big deal ito for Aljur dahil sa dalawang taong pagrampa niya sa Cosmo Bash eh, hanggang topless at jeans din ang suot niya; and kung hindi kami nagkakamali, noong 2010 sa Bench show (every 2 years ang event), eh, ganoon din ang kanyang drama – never in briefs (kahit shorts style).
After all, it’s an underwear show, and Silver Anniversary ng Bench, kaya we commend Aljur on being “game” this time, at “pinagbigyan” na rin niya ang mga fans niyang mujer (babae) at mga gays – ladlad man o discreet – na hindi magkamayaw sa pagtili sa ginawa ni Aljur, huh!
Good thing at na-capture ito ng aming fotog na si Gil Policarpio, samantalang kami naman ay na-video ang said portion, hehe.
Na-miss din namin ang pagrampa sa Bench show ng mga dati-nang-rumarampang sina Wendell Ramos (na ultimate flawless ang puwet at walang kiyemeng mag-T-back). Nakakapagtaka na wala rin sina Jomari Yllana and Piolo Pascual.
Si Rafael Rosell din na suki ng Bench at isa pang yummy actor ay wiz rumampa, baka end of contract? Si Diether Ocampo, ilang taon nang rumarampa, hanggang topless lang talaga, naunahan pa ni Aljur. Pati itong si Rayver Cruz, ang KJ, hahaha.
Isa sa mga bago sa pa-ningin ng audience na nag-brief sa kani-lang pagrampa ay sina Arron Villaflor. Ang yummy pa rin ni Carl Guevarra. Iba rin ang briefs na ine-endorse dati ni Borgy Manotoc, kaya exciting din siya to see in Bench briefs onstage.
Pinakamalalakas ang tili-an sa paglabas nina Coco Martin, Dingdong Dantes, and Paulo Avelino.
SPEAKING OF Dingdong Dantes, sa kanyang new horror-action-adventure flick na Tiktik: The Aswang Chronicles, inamin ng isa sa producers nito na si Dondon Monteverde na first time for a Pinoy film na gumamit ng software na ginamit din sa Hollywood film na Avatar!
Can you imagine kung gaano kamahal ‘yun para gumamit ng said software na ginamit din sa Avatar? First time din na Pinoy film na gawin in green studio o computer generated images, only by Direk Erik Matti.
Bongga rin ang production designer ng pelikula na si Peter Collias dahil siya lang naman ang gumawa ng stunning set designs ng Hollywood films na Moulin Rouge, Dark City, The Thin Red Line, and The Matrix, huh!
Limang taon na palang naninirahan dito sa Pilipinas si Collias. Naintriga siya sa local folklore, kaya na-pressure rin siya sa paggawa ng production design ng kanyang first Pinoy film.
Ang nagustuhan niya sa Pinoy movies ay ang unique mix of drama and comedy, na tunay na kultura ng Pinoy. “The project is daunting because we have to start from scratch, but it’s also a great challenge,” say ni Collias sa kanyang experience.
Madugo aniya ang process ng paglikha niya ng disenyo for his film at ilang buwan silang nag-discuss ni Direk Erik Matti.
Photo by Gil Policarpio
Mellow Thoughts
by Mell Navarro