KAHIT HINDI aminin ni Aljur Abrenica, malaking pagkakamali ang ginawa niyang pagdedemanda sa GMA 7 noon. Kaya nang magbalik ito at bigyan uli ng pagkakataon ng Kapaso Network, may ilang press ang naawa sa hitsura ngayon ng actor.
Sa isang specialized acting workshop ng GMA Artist Center headed by award-winning actress/director Laurice Guillen, napansin ng press ang malaking pagbabago sa hitsura ni Aljur, nawala raw ang “star aura” nito at nagmukha raw ordinaryong binata na para raw mag-o-audition para sa isang TV show. Malayo raw sa dating Aljur Abrenica nang makita at pasyalan nila sa taping noon na Kambal Sirena. Nawala raw ‘yung magandang porma at mukhang artista, pero nandoon pa rin raw ang pagiging magiliw at mahiyain sa press.
Hindi naman kataka-taka na malaki ang ipinagbago sa hitsura ni Aljur, dahil isang taon din itong nabakante. Kahit hindi man aminin ng actor, malaking problema at stress ang dinanas nito nang idemanda rin siya ng GMA 7.
Nang tanungin ng press si Aljur kung masaya ba ito ngayon sa nangyayari sa buhay, ang naging sagot nito ay masaya naman daw siya na ayaw paniwalaan ng ilan press dahil naging mailap pa rin ito sa pagsagot ng mga tanong.
Isa pa sa ikinagulat ng press ay walang kaalam-alam si Aljur na may gagawin silang teleserye ni Kris Bernal, samantalang lahat ng kasama sa cast ay may idea nang magsasama muli sa isang serye ang dating magka-loveteam.
Ikinagulat pa raw ng actor nang iparating sa kanya na may serye silang gagawin ni Kris nang mangilan-ngilang press na tila paboritong imbitahan ng mga namamahala sa pag-iimbita ng mga press ang network kapag may mini-presscon or kahit big presscon ang GMA 7.
Anyway, tila nagiging maingat na lang ngayon ang GMA 7 sa pagbibigay ng project kay Aljur, dahil sa naging asal nito na bigla-biglang nagdemanda at nagpapa-release sa network. Baka nga naman maging marahas na naman ito kapag bumongga na naman ang showbiz career at mag-demand na naman ng ikabibigla ng dalawang kampo.
Pero sa hitsura at pananalita ni Aljur sa ilang press, tila hindi na mangyayari muli ang ginawa nitong pagdedemanda sa GMA 7. Aminin man ng actor, tila nagsisisi na ito sa ginawa nang hindi man lang pinag-isipang mabuti.
At sana magbalik muli ang ningning ng kasikatan ni Aljur matapos ang isang taon na walang project, as in totally wala talagang appearance sa kahit saang network or show.
And goodluck sa movie entry niya sa darating na Metro Manila Film Festival na Hermano Puli na idinirek ni Gil Portes.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo