HINDI NAMAN yata tama na ikaw ang nagma-manage, ikaw ang sisira sa alaga mo.
Ang tinutukoy namin ay ang kampo ng GMA Artist Center sa kaso nila sa alaga nilang si Aljur Abrenica na nagsampahan ng kaso sa hukuman para mai-release siya sa kanyang kontrata sa kanila.
Mula nang maglabasan ang istorya ng pagsampa ng GMA Hunk ng kaso sa Artists Center, puro side ng management company ni Aljur ang naririnig natin. Lahat, kabig at positibo sa management company niya at wala man lang narinig na depensa ang hunk tungkol sa akusasyon sa kanya.
A certain person named Tracy Garcia (tama ba ang last name) from Artists Center ang nagsasabi na “unprofessional” si Aljur. Pertaining sa isyu ng trabaho nito for an underwear shoot for Bench, kung saan isa sa mga endorser ng kompanya ang binata.
Sinisisi nitong si Tracy na inayawan ng binata ang trabaho. Ayaw nitong gawin ang underwear shoot gayong walang detalye na mai-present itong si Tracy sa talent nila, the fact na karapatan ng modelo (artista man or kung sino pa man) na malaman niya ang detalye lalo pa’t si Aljur, first time niyang gagawin ang isang underwear pictorial.
Respetadong kompanya ang Bench kaya nagtiwala si Aljur. Ang hinihingi lang ng binata ay ipakita sa kanya ang mga underwear na kanyang isusuot during the pictorial. Mahirap naman kasi na on the spot during the pictorial, hindi niya magustuhan ang isusuot (lalo pa’t super sexy tulad ng T-back) ay tanggihan niya na magmumukha naman siyang bastos sa stylist ng pictorial.
Two weeks prior to the shoot schedule, kinukulit na niya itong si Tracy (handler ni Aljur at ito rin yata ang nagre-represent sa kanya sa mga negosasyon). Pero up to the last minute, walang sample underwear na isi-shoot na ipinakita itong si Tracy.
As far as I know, lahat ng modelo (starlet man or celebrity) you discuss with the product endorser-model and present the outfit and concept for approval at kung may problema man, you justify and explain kung bakit kailangan nilang isuot ito.
Sa kaso ng Bench, pinalabas ng kampo ng Artists Center na nagka-attitude si Aljur kaya ayaw niyang gawin ang pictorial. Dahil sa pagback-out ng binata sa trabaho (na karapatan niya), kinansel ng Bench ang project and pati ang kontrata ni Aljur sa Bench.
Sa ganitong sitwasyon, hindi natin alam kung anong dahilan or alibi ang sinabi ng Artists Center sa Bench para umabot sa cancellation ng contract ni Aljur sa kompanya.
Plano ni Aljur na humingi ng meeting kay Mr. Ben Chan para marinig din nito ang kanyang side at tuloy malaman din niya kung ano ang pambabaril na ginawa ng Artists Center sa kanya sa kompanya ni Mr. Chan.
Wala itong ipinagiba ang sitwasyon ng Bench na minsan na-ban na pala si Aljur na makatapak sa lahat ng SM Malls nang hindi niya pinagbigyan ang hiling ng isa sa mga bossing ng SM (hindi lang malinaw kung si Mr. Henry Sy or ang anak nito) na humiling on the spot kung pwede si Aljur mag-assist sa ribbon cutting sa isang SM Event gayong oks lang naman sa binata na nandoon na sa venue as part of his PR and goodwill sa kompanya.
Kung hindi pa nalaman ng binata na banned pala siya sa SM nang sitahin niya ang isa sa mga taga-Artists Center, hindi pa nito malalaman ang sitwasyon.
With Aljur’s own effort, gumawa siya ng paraan to amend his shortcomings (kahit hindi siya ang may kagagawan kundi ang management company niya) sa pamamagitan ng pag-guest sa Christmas parties ng ilang SM branches (gratis) para makabawi sa pakiwari niya’y pambabastos sa bossing ng kompanya sa dahilan na “may lakad” pa raw ito.
Sa panahon na si Ms. Ida Henares ang nagpapatakbo ng Artists Center, walang ganitong mga palpak na mga kuwento na isisisi mo sa mga taga-GMA Artists Center.
No wonder hanggang ngayon, kulelat pa rin sila sa Star Magic na very professional sa kanilang artists’ handling at management at pati sa kanilang pagne-negotiate with clients, big or small.
Balita nga namin, pati ang self-produced music album ni Aljur ay gustong makisawsaw ng GMA Artists Center nang malaman nila na planong i-relase ng isang malaking recording company ang naturang album ng binata gayong sa simula pa lang ay hindi na nila ito sinuportahan.
Reyted K
By RK VillaCorta