Got invited last Friday evening sa “Oh Boy!” concert nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas, and Derrick Monasterio.
Sa kabila ng traffic on a Friday evening, napuno ng apat na Kapuso Stars ang Music Museum.
Magaling kumanta si Aljur kahit nag-iinarte siya at ayaw maki-join kina Rocco at Derrick na mag-shirtless onstage.
Ewan ko kung anong drama ni Aljur noong gabing ‘yun at ayaw makipagsabayan sa effort nina Derrick at Rocco para maging “hot and sexy” ang show noong gabing ‘yun.
“Aktor na kasi siya. Hindi na niya kailangan magpa-sexy,” sabi sa amin ng katabing entertainment writer na ang tinutukoy ay ang historical film ni Aljur na “Hermano Puli” na sinulat ng kaibigang Eric Ramos.
Bumawi sa kaartehan ni Aljur si Derrick when he took off his muscle shirt at lalo na ang sing and dance production number ni Rocco with two sexy hunks as his back-up na palong-palo sa kaseksihan ang moves ng “ex-boyfie” ni Lovi Poe.
Sexy si Rocco. Sayang nga lang at may limiitasyon ang height ng binata.
Si Derrick, nang mag-hubad, iisa lang ang reaksyon ng girls at bekis na nasa audience. Napanganganga sila sa bagong hunk ng Kapuso Network.
Naawa ako sa pagiging mahiyain ni Jake Vargas. Parang mali ang pagka-cast sa kanya sa show.
Bukod kasi sa maliit siyang tingnan on stage na akala mo “bata” ay parang kulang ang confidence niya na mag-perform kasama ang tatlo.
Sabi ng mga miron, na-conscious diumano si Jake dahil nandu’n ang ex-girlfriend niyang si Bea Binene sa audience na nanood sa imbitasyon naman ni Derrick na magiging leading man ng binata sa isang serye.
Nandu’n din si Kris Bernal na super payatot na nakita namin on our way out.
Pero si Julie Anne San Jose, humahataw sa kanyang kadyot at pumping performance na mala-J-Lo na hindi mo iisipin na magagawa ‘yun ng dalaga on stage.
With Julie Anne’s virginal image (super sexy niya), knows kaya niya na ang dance moves niya ay nagtatawag ng “libog” sa kanyang male fans?
“Knows kaya niya ang ibig sabihin ng libog?” Tanong naman sa amin ng isang kaibigan habang binabaybay namin ang kahabaan ng matrapik na Ortigas Avenue.
Pero Julie Anne was good. Like ko ang girl, lalo na ang mga hugot song niya sa nakaraang 10th anniversary show niya na napanood din namin.
Reyted K
By RK VillaCorta