Alleged Azkals members’ gang rape victim Amanda Coling failed to get sympathy

BLIND ITEM: FOR purposes of brevity, itago na lang natin sa mga initials na SA (for Sikat na Aktor) at TE (for Top Executive) ang dalawang bida sa kuwentong ito.

Sa iisang TV network affiliated sina SA at TE, both men(?). Ilang taon man ang agwat ng kanilang edad, they

make a lovely bisexual couple, palibhasa pareho silang pogi.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni TE na marami nang na-link na suspected gay actors kay SA. Nariyang natsismis si SA kay E, kay R, kay Y, kay S, kay M, sa isa pang E, among others. Ewan kung ginagawang pagtatakip lang ni SA ang kasalukuyan niyang relasyon with a showbiz girl.

But all this TE does not care about. Object of fantasy pa rin niya si SA kahit pamilyado na siya (TE). In fact, straight to SA’s face ay pinrangka siya ni TE: “I’m willing to give up my family, magsama lang tayo.”

Of course, SA did not heed the call, pero “gandang-ganda” raw siya sa kanyang sarili. Imagine, isang pamilyadong tao, guwapo’t may mataas na katungkulan sa isang TV station, handang iligwak ang kanyang mag-iina para lang bumukod sila’t bumuo ng sariling pamilya although non-procreative?

So, ‘pag nagkataon, sino na lang ang lalamanin ng bahay ni kuya… mga ateng magdyowa? In fairness, SA and TE make for a perfect man-to-man DVD na huwag na sanang kumpiskahin ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, ‘no!

AS OF PRESSTIME, not one representative of Gabriela or any women’s rights group has come to the defense of Amanda Coling, ang coed na umano’y pinagsamantalahan ng apat na miyembro ng Philippine Azkals Football Team, despite her fearless revelation.

Maaaring nasa proseso pa ng paninimbang ang mga grupong ito kung may katotohanan ang paratang ni Amanda, but based on her TV interviews ay salat naman ang mga ‘yon sa malinaw na detalye that would prove that she was indeed a gang rape victim.

Matatas mag-Ingles si Amanda, hindi naman kasi kataka-taka ang kanyang academic background na kumukuha pa ng kursong  ‘ika nga’y angkop sa mas may mataas na antas ng katalinuhan. Amanda’s oral proficiency in English, however, has failed to save her from the national embarrassment that she seemed to have caused upon herself sa mga interbyung paliguy-ligoy naman siyang sinagot.

Ipinaghihimutok daw ni Amanda na na-pull out siya out of a production number that she had already rehearsed for FHM’s most recent event dahil sa eskandalong ‘yon. Isinakripisyo raw ni Amanda ang ilang offers to do modelling abroad in favour of a local stint, which to us, ay isang mala-king katangahan!

Why exchange a far better-paying modelling job for a local stint, gayong to begin with, Amanda Coling has no name to boot? Lumalabas lang tuloy na ang pinanghihinayangan ni Amanda from her pull-out was showbiz exposure, na hindi nga naman niya nakamit kung kaya’t public perception has it that her “whistle-blowing” is nothing more than an easy, no-sweat entry into the limelight.

Nakapanghihinayang that someone like Amanda — for all her academic background — seems to be resorting to a ploy that even a school dropout can be better at.

Literal na naming nakikinita ang reaksiyon ng bawat inaakusahan niyang footballer… “My foot!”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa loob ng 60 araw, biyahe na ang OFW
Next articleSarah Geronimo, playing sweet music with the son of Camarines Sur governor?

No posts to display