KASALUKUYANG nasa Spain ang multi-awarded actor na si Allen Dizon para dumalo sa 66th San Sebastian Film Festival o Festival de San Sebastian na isa sa A-list film festivals sa mundo.
Si Allen ay bida sa pelikulang Alpha: The Right To Kill na idinirek ni Brillante Mendoza na kasama rin niya sa Spain together with his business manager na si Dennis Evangelista.
Umalis ang team Alpha noong September 17 para umatend din ng red carpet opening ceremonies na naka-schedule naman noong Sept. 21 sa Victoria Eugenia Theatre
Base sa nakikita naming post sa FB ni Dennis, very well-received ng Spanish audience ang pelikulang Alpha. After its premiere, pinalakpakan din ito nang bonggang-bongga.
Isa sa aktor na matinding makakalaban ni Allen for best actor category sa San Sebastian Film Festival ay ang Oscar nominee na si Timothee Chalamet para sa pelikulang Beautiful Boy.
Samantala, ang Alpha: The Right to Kill ay istorya tungkol sa war on drugs ng isang pulis informant at ng corrupt police officer na ginagampanan ni Allen.
Kahit hindi corrupt sa totoong buhay ay sinigurado naman ni Allen na magagampanan niya nang maayos ang role na ibinigay sa kanya.
Aniya, “Kailangan maging believable ang aking pagganap. Kung ano ang totoong damdamin ni Espino (character niya), dapat makita ’yun ng audience. Hindi lang ito dapat makita kundi maramdaman din.
“Dapat natural ang dating ng acting ko. May freedom naman kami to do what we want sa character pero dapat natural ang acting, hindi pilit. Dapat ipakita ko na sanay na sanay ako sa ginagawa ko.
“So kung kailangan kong pumatay sa eksena, dapat walang alinlangan ’yun. Dapat parang second skin ko na ang pagpatay. Walang remorse. Kumbaga, trabaho lang, walang personalan,” paliwanag ng mahusay na aktor.
La Boka
by Leo Bukas