May International best actor award na naman si Allen Dizon. Last year lang, nanalo siyang best actor sa 3rd Silk Road Film Festival in Dublin, Ireland for his performance in Jason Paul Laxamana’s “Magkakabaung” (The Coffin Maker) and this year, naulit na naman ito.
Si Allen Dizon ulit ang tinanghal na best actor sa 4th Silk Road Film Festival para naman sa kanyang subtle yet very effective performance para sa pelikulang “Iadya Mo Kami” (Deliver Us) na sinulat ni Ricky Lee, idinirek ni Mel Chionglo at prinodyus ng BG Productions.
Ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista, pang-apat na international best actor award na ni Allen ang napanalunan niya sa Dublin, Ireland at pang-20 best actor trophies naman niya ito sa kabuuan.
“We are so proud of Allen. Imagine, from just being a stud before, ang layo na talaga ng kanyang narating. Kahit si Allen, hindi niya ini-expect na mangyayari ang ganitong magagandang bagay sa kanya,” pahayag ni Dennis tungkol kay Allen.
Ilan sa mga tinalo ni Allen sa Silk Road Film Fest si Parviz Parastui for the film “Two” na isa sa kilalang aktor in Iranian Cinema at ang Taiwanese heartthrob na si Chen Bolin ng pelikulang “Distance”.
La Boka
by Leo Bukas