NATUPAD NA rin sa wakas ang ultimate dream ni Allen Dizon na manalo ng Urian best actor trophy na pangarap din ng sinumang aktor at aktres. Kinilala ng Gawad Urian ang galing ni Allen sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) na idinirek ni Paul Laxama.
Pampitong best actor award na ito ni Allen mula sa iba’t ibang international film festival at dito sa Pilipinas from the same movie, huh! Pero para sa kanya, very unforgettable ang pagkakapanalo niya sa 38th Gawad Urian. “Sobrang thankful ako. This is it!” masaya niyang pahayag.
Ayon sa presidente ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na si Dr. Grace Javier Alfonso, nanalo si Allen dahil: “Ang performance ni Allen sa Magakakabaung ay hindi matatawaran. Naipakita niya ang komplikadong komplikasyon ng sama ng loob, paninibugho, pagsisisi, panghihinayang, at galit sa sarili.
“Makikita mo ang ‘inner tension’ na parang sasabog pero wagi dahil hindi nag-over acting si Allen. Napaka-accomplished ng kanyang performance at heartwarming.”
Congratulations Allen at sa producer ng pelikula na si Dennis Evangelsita, manager din ng award-winning actor.
La Boka
by Leo Bukas