BAGO SUMABAK sa international film festival sa India, nagkaroon muna ng special screening ang pelikulang Sekyu ni Allen Dizon na prinodyus ng BF Productions at idinirek ni Joel Lamangan.
Ang Sekyu ang follow-up movie ni Allen pagkatapos ng Magkakabaung kung saan nanalo siya ng 3 international at 6 local acting awards including Gawad Urian.
Sa pelikulang Sekyu, aminado ang award-winning actor na nahirapan siya dahil nasabay ang shooting nito sa kanyang soap opera sa ABS-CBN na Dobble Kara where he plays the role of Julia Montes father at asawa ni Carmina Villaroel.
“May mga kaso na napa-pack up ako ng 6 a.m. sa soap, kaya diretso na ako sa shooting ng Sekyu ng 8 a.m. Hirap dinG umarte kapag puyat, kasi gusto mo na lang matulog, pero hindi puwede dahil kailangang may presence of mind..”
Ayon pa kay Allen, role of a lifetime ang Sekyu at sayang kung hindi niya pagbubutihin.
Umaasa ba siya na muling mananalo ng best actor sa Sekyu?
“Mahirap ‘yung umaasa ka na magka-award sa bawat project na ginagawa. Magiging conscious ka at may effort ang performance mo. Kaya ako, ginagawa ko lang ‘yung role ko, ganu’n lang. Hindi ko iniisip ang award,” rason niya.
Kasama rin sa Sekyu sina Sunshine Dizon at Melai Cantiveros. Supporting cast naMan sina Rez Cortez, Raquel Villavicencio, Jaime Pebanco, Kristopher King, Kiko Matos, Jenica Mae Amores, at Solomon Mark De Guzman.
La Boka
by Leo Bukas