HINDI talaga tumatanggap ng gay role or cross dresser sa pelikula at telebisyon ang multi-awarded actor na si Allen Dizon. Medyo pahirapan bago siya na-convince ng manager niyang si Dennis Evangelista bago nito tinanggap ang alok ng GMA Network na magbida siya sa two-part episode ng Magpakailanman.
Ayon kay Allen, na-convince siya na tanggaping ang gay role nang mabasa niya ang script.
“Hindi kasi ako komportable. Matigas ang katawan ko, ‘yung boses ko. Hindi ako bagay maging ganyan,” katwiran ni Allen nang makausap namin siya.
Gagampanan ni Allen ang katauhan ni Roxanne D’Salles na isang transwoman sa MPK. Ipinalabas na ang first part ng naturang episode noong June 15 at ngayong June 22 naman ang last part.
Paano ba niya pinaghandaan ang pagiging transwoman?
“Yung transition nun, kaya ko namang gawin — sa make up, boses, kilos. Nahirapan lang ako sa boses ko na dapat maliit, malambot ang mga kilos. Dapat talaga girl. Kailangan ko talagang maging babae,” sambit pa ng aktor.
Samantala, kagagaling lang ng Beijing, China ni Allen para dumalo sa A-List 22nd Shanghai International Film Festival kung saan ipinalabas for exhibition ang kanyang dalawang pelikulang Persons of Interest at Alpha: The Right to Kill.
La Boka
by Leo Bukas