OVER, HUH! May K na ba itong si Allen Dizon na ipagmayabang ang award na nakuha niya sa pagawa ng indie films?
Not all stars want to do indie movies unless wala na sigurong kukukuha sa serbisyo mo bilang artista sa mga pelikulang main stream (read: big budgeted movies).
Kung super hectic and schedule mo at hindi ka binabarat ng producer sa talent fees mo, mas pipiliin mo ba ang gumawa ng indie films na sampu-sampera na kadalasan ay sumesemplang sa takilya?
Kaya nga after reading PEP na binanggit pa ni Allen ang pangalan ni Bea Alonzo na sinasabi na dapat subukan niyang gumawa ng indie films, I don’t think sa estado ng aktres ngayon who does matitinong main stream movies, ano nga ba ang ipinag-iba ng isang indie film na gasgas na sa amin ang pamantayan.
Sige na nga, mag-ilusyon na tayo na ang indi films ay movies for art’s sake.
Reyted K
By RK VillaCorta