KAHIT BUSY ang award-winning actor (both international and local) na si Allen Dizon sa taping ng afternoon series ng ASB-SCBN na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes in a dual role, nakatapos pa pala ang aktor ng 2 pelikula.
Bida si Allen sa pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us) na idinirek ni Mel Chionglo at sa Sekyu (The Guard) ni Direk Joel Lamangan. Both films were written by Ricky Lee.
Sabi sa amin ng manager ni Allen na si Dennis Evangelista, excited siyang ipapanood sa amin ang Sekyu at Iadya Mo Kami dahil ang husay-husay raw ng pagkakaganap dito ni Allen.
Aber, kailan kaya namin ito mapapanood?
Anyway, maging sa seryeng Doble Kara, napaka-effective ng subtle performance ni Allen bilang ama ni Julia. Truly, he’s a very competent actor.
Samantala, ang isa pang film ni Allen na Imbisibol directed by Lawrence Fajardo is currently at Toronto International Film Festival. For his role as doomed male entertainer in Japan for Imbisibol, Dizon won Best Actor at the very Ist Sinag Maynila Film Festival.
Sa Iadya Mo Kami, ginagampanan ni Allen ang role ng isang pari na nabuntis ang girlfriend at sa Sekyu naman he played the role of ill-fated guard who accidentally killed his wife.
La Boka
by Leo Bukas