MAY BAGONG international acting recognition na naman si Allen Dizon. Binigyan siya ng mataas na pagkilala ng 33rd Warsaw International Film Festival (WIFF) para sa pelikulang Bomba (The Bomb) kamakailan lang held in Poland.
Kasama rin ni Allen na binigyan ng Special Jury Award sa Warsaw ang co-star niyang si Angelie Nicole.
Ang Bomba (The Bomb) ang nag-iisang entry ng Pilipinas sa WIFF na itinuturing na A-list film festivals sa buong mundo. The film is directed by Ralston Jover.
Sa interbyu namin kay Allen, hindi niya inakalang mananalo siya sa huling film festival na sinalihan dahil pawang magagaling ang mga aktor na bida mula sa iba’t ibang bansa na kasali sa festival.
“Alam mo naman, hindi talaga ako nag-i-expect sa ganyan. Napanood ko yung performances ng ibang artista kaya alam kong may tulog ako. Na-surprise na ang ako nang tawagin yung pangalan ko,” kuwento pa ng aktor sa amin.
Sa Bomba ay ginagampanan ni Allen ang role ng isang deaf and mute guy na nakatira sa iskwater at may kinakasamang dalagita played by Angeli.
Ang pelikula pelikula ay co-production ventures ng ATD Entertainment, Dennis Evangelista at ng Heaven’s Best Entertainment.
La Boka
by Leo Bukas