BACK-TO-BACK BEST ACTOR award ang napanalunan ni Allen Dizon recently. Una sa 1st Sinag Maynila Film Festival para sa pelikula niyang Imbisibol na sinundan agad ng pagiging best actor din niya sa 3rd Silk Road Film Festival na ginanap sa Dublin, Ireland.
True, hanggang ngayon ay humahakot pa rin ng mga parangal ang pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) na pinagbibidahan ni Allen at sa direksyon ni Paul Laxamana. Ito rin ang tinanghal na best film sa Ireland.
Pangatlong international best actor na ito ni Allen. Nauna siyang kinilala sa 9th Harlem International Festival sa New York at sa Hanoi International Film Festival sa Vietnam. Lahat ‘yon ay para sa hindi matatawarang pagganap niya sa Magkakabaung.
Sa post ng manager niyang si Dennis Evangelista, masaya itong ibinalita ang nangyari.
“The winning streak of Allen Dizon is unstoppable. After winning best actor unexpectedly at 1st Sinag Maynila Film Festival for his performance in Lawrence Fajardo Imbisibol, I got this great news that Allen Dizon won best actor and our film Magkakabaung (The Coffin Maker) directed by Jason Paul Laxamana bagged the best film at the recently concluded 3rd Silk Road Film Festival held in Dublin, Ireland. Proud Filipino!!!”
Bago tumulak si Allen papuntang Ireland ay nainterbyu pa namin siya sa launching ng Sinag Maynila. Ayon sa aktor, hindiniya ini-expect ang magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career. Pero aminado siya na pinagtrabahuhan din niya ang lahat ng mga recognitions na natatanggap niya ngayon.
“Wala namang tinatawag na overnight success. Lahat ito, pinaghirapan ko rin. At natutuwa ako na nagbunga rin lahat ng mga pagsisikap ko,” sey pa niya.
Congratulations, Allen!
La Boka
by Leo Bukas