WAGI NA NAMAN ang acting ni Allen Dizon sa FAMAS. Siya ang tinanghal na best actor sa katatapos lang na 66th FAMAS Award na ginanap sa The Theater ng Solaire para sa mahusay niyang pagganap sa deaf-mute role sa pelikulang Bomba (The Bomb) na idinirek ni Ralston Jover.
Ang FAMAS ang pinakamatandang award-giving body sa bansa na kumikilala sa galing ng mga taga-pelikula.
Winner din ng highest acting award (best actress) ng FAMAS ang singer-actress na si Agot Isidro para naman sa pelikulang Changing Partners na idinirek ni Dan Villegas.
This is Dizon’s 4th FAMAS best actor award. Una siyang nanalo noon sa pelikulang Paupahan directed by Joven Tan. Nasundan ito sa pelikulang Dukot ni Direk Joel Lamangan at sa Magkakabaung ni Direk Jason Paul Laxamana. Isang panalo na lang at magiging Hall of Famer na si Allen ng Famas.
Malaki ang pasasalamat ni Allen sa mga bigating jury ng FAMAS sa pangunguna Ricky Lee na tumayong chairman.
Kasama ni Lee na pumili ng winners ang iba pang nirerespetong personalidad sa industriya tulad nina Erik Matti, Oggs Cruz, Roi Iglesias, Mac Alejandre, Patrick Campos, Eduardo Dayao, Emil Hofileña and Ms. Jaclyn Jose.
Para sa pelikulang Bomba, nanalo na rin si Allen sa A-List 33rd Warsaw Film Festival, 16th Dhaka International Film Festival, 4th Sinag Maynila Independent Film Festival at 16th Gawad Tanglaw. To date, pang 32 acting awards na ito ng Kapampangan actor.
La Boka
by Leo Bukas