UNICA HIJA ang Pinoy Big Brother graduate turned Miss Universe Top 30 candidate na si Kisses Delavin. Hindi naman lihim sa kanyang mga fans and followers na siya ay very much loved and pampered ng kanyang mga magulang na originally ay from Masbate.
Kahit na siya ay mag-isang anak, hindi naman ito spoiled. Sa katunayan, in an early age ay tinuruan na siya kaagad ng kanyang mga magulang kung paano humawak ng pera.
Sa kanyang recent interview with Tito Boy Abunda ay ikwinento nito na PHP 1,000 a day ang kanyang allowance, pero PHP 100 lang ang nagagastos niya per week.
“Sina mommy and daddy pinapabaonan ako ng P1000 per day sa La Salle, pero I think I would spend mga 100, one week na yun. It’s an adjustment na of course, you have to consider your friends din, pero I always make sure I don’t spend too much,” kuwento ni Kisses.
Ayon sa dalaga, nakakasave siya ng kanyang pera dahil umuuwi na lang ito sa kanyang condo na malapit sa DLSU para kumain.
Hindi naman daw kuripot si Kisses. “I’m not kuripot naman pero I’m careful with how much I spend and here in Manila you can just go to the mall and P1000 is gone… It’s an adjustment, of course, you have to consider your friends din. Pero I always make sure I don’t spend too much”
“I remember when I was a child, my mother and father would work from Monday to Sunday and I learned the value of money. That’s why the first time when I had a baon na money was in first-year high school because I don’t like to spend money that much. Because I know how hard it is to earn that money,” dagdag pa niya.
Bago napasabak sa PBB si Kisses ay nag-aral ito sa DLSU for one and a half years.
“It was one of the happiest moments of my life because I’m in an organization, it’s a theater org. It’s called Harlequin Theatre Guild and from 6 pm to 10 pm, we’re always at the org making props and plays,”
Kahit na may ‘culture shock’ itong naranasan ay na-enjoy niya ang kanyang college life sa SLSU.
“PHP 1,000 a day ang baon ni Kisses? Sana all!” tweet ng ilang netizens sa rebelasyon ng dalaga. Kami nga rin ay mapapa-sana all talaga! He-he-he!