Alma Moreno, kampante na sa kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa kulungan

Alma Moreno and Mark Anthony Fernandez
Alma Moreno and Mark Anthony Fernandez

Kampante na si Alma Moreno sa kalagayan ng anak na si Mark Anthony Fernandez.

Sa presscon ng bagong project ni Ness para sa Kapuso Network na “Tsuperhero” with Bea Binene at Derrick Monasterio, tinimbrihan kami ng taga-GMA Corporate Communications na hinay-hinay muna kami sa usapin tungkol sa pagkakulong ni Mark kapag tinanong namin si Ness.

Medyo sensitive pa kasi si Alma sa issue ng anak. Mangiyak-ngiyak pa rin ito kapag si Mark na ang pinag-uusapan. Medyo napaluluha. Siyempre anak niya ito, na hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang kalagayan ni Mark na makukulong.

Sabi nga namin kay Ness, dahil sa mabait ang anak niya at marunong makisama tulad ng amang si Rudy Fernandez, never siyang kinanti, nilatigo, at tinira ng entertainment press sa isyung kinasasangkutan nito kamakailan, kung saan nahulihan siya ng 1 kilong marijuana sa Angeles City, Pampanga.

Ngayong settled na si Mark sa Pampanga Provincial Jail (na mas komportable ang aktor dahil mas malaki ang kulungan dito kumpara roon sa unang piitan na pinagkulungan sa kanya), medyo adjusted na ito, ayon sa kuwento ng ina.

Sa katunayan, si Ness ay kumuha na ng isang tirahan na malapit sa Pampanga Provincial Jail para mas madali sa kanyang madalaw ang anak, na iwas niyang sagutin ang tanong namin kung saan banda ang inuupahang tirahan.

Ayon sa kuwento ni Ness, araw-araw ay nagpapadala siya ng pagkain ni Mark.

“‘Yong breakfast, lunch, at dinner ay pinakikiusap ko na dalhin sa kanya. ‘Di ba may mga oras lang ng dalaw. Kaya ang ginagawa ko, ipagluluto ko na siya ng pagkain niya for the whole day,” sabi ni Alma.

All-time favorite pa rin ni Mark ang luncheon meat na Spam at corned beef na palaging ipinaluluto ni Alma para dalhin sa anak.

“Nagpapasalamat ako sa mga press people (entertainment) dahil naiintindihan nila ang anak ko. Never akong nakabasa ng tira or negative sa kanya. ‘Yong iba, nagsulat ng nangyari, pero naiintindahan ko ‘yun dahil balita. Pero dahil mabait ang anak ko, never akong nakabasa o nakabalita na binanatan siya,” kuwento ni Ness.

Sa huling pagdalaw ni Ness sa anak sa kulungan, sinabihan nito na medyo mag-exercise para maayos ang katawan nito. “Kung minsan, nakikilaro siya sa mga taga-roon. May time na nagso-solo siya.”

Sa pagbabalik ni Alma sa kampo ng GMA (the last project niya ay ‘yong sitcom nila ni Rudy “Daboy” Fernandez at Rosanna Roces) na “Daboy and The Girl” years ago, she plays now the role of Martha na nanay ni Derrick sa Sunday afternoon pantaserye na magsisimula sa unang Sunday ng November.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAi-Ai delas Alas, ‘di kailangang magpaka-santa dahil sa Papal award
Next articleLiza Soberano, idol ng mga batang artista

No posts to display