ISA SA exclusive na kuwentong abangan n’yo sa Startalk ay ang tungkol sa hiwalayan nina Alma Moreno at ng asawa niyang si Mayor Sultan Fahad Salic ng Marawi City.
Matagal nang napabalita ang tungkol sa hiwalayan, pero hindi nagsasalita si Alma. Iyon pala totoo na ‘yun, dahil halos isang taon na pala silang hindi nag-uusap. Wala talagang komunikasyon, as in walang tawag sa kanya si Mayor Salic at ganu’n din siya.
Sabi lang ni Alma, may ibang tao lang daw na kumakausap sa kanya, pero ‘yung mismong asawa niya, wala. Hindi naman daw niya masasabi sa ngayon na talagang hiwalay na sila, dahil sa Muslim rites sabi niya, kailangan may divorce muna bago mo masabing hiwalay na talaga.
Meron pa pala silang civil wedding na kailangang maayos din ‘yun para masabing hiwalay na sila. ‘Yun ang gustong ayusin ni Alma. Pero sa ngayon ay hindi pa raw niya ginagawa dahil abala raw siya ngayon sa trabaho niya at sa mga anak niya.
Meron silang isang anak na si Alfah, three years old na ito at hindi naman daw ito pinababayaan ni Mayor Salic pagdating sa suporta. Pero kung pagkikita at komunikasyon, wala na raw talaga. Kaya nakapag-decide na si Alma na ituloy na ang pakikipaghiwalay kahit masakit man daw sa kanya.
Umiyak ito nang nakausap ng Startalk dahil hindi naman daw madali sa kanya ang desisyong ‘yun. Mabuti at nandiyan daw ang mga anak niya na suportado siya at nagpapalakas sa kanya.
Kabilin-bilinan naman daw niya sa mga anak niya na dapat ganu’n pa rin ang pagdating nila sa Uncle Salic nila dahil mabait naman daw ito sa kanila. Pero mas gusto raw niyang single na lang daw siya at wala nang commitment o kung ano naman sa asawa.
Isa sa mga araw na ito ay aayusin na raw niya ang divorce, pero sana magkaroon daw sila ng masinsinang pag-uusap para maayos lang. Nandiyan pa rin naman daw ang pagmamahal niya, at iniiwasan daw niyang mapalitan ito ng galit.
Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang exclusive interview namin kay Alma.
Live guest din namin pala si Joey Marquez dahil siya ang nagbabalik Kapuso gawa nang gagawin niyang drama series sa GMA 7 na Paraiso Ko’y Ikaw.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis