Alma Moreno, pinagmukhang ‘tindera ng karinderya’ ni Karen Davila

Alma-Moreno-Karen-DavilaFOR SURE, sa gitna ng inaani rin niyang mga batikos for being so insensitive to her guest ay ikakatuwiran pa rin ni Karen Davila na tama lang ang line of questioning niya nang maging panauhin niya ang senatoriable na si Alma Moreno sa kanyang programang Headstart.

Karen might maintain her ground na karapatan ng mga botante na kilatisin ang mga tumatakbong kandidato sa kahit anong puwesto as this will aid them in their choice as to who they should elect into public office.

Agree kami riyan. But Alma—we suppose is no alien to Karen. Moreso, aware naman siguro si Karen sa kakapusan o inadequecies ni Alma. Pero umpisang-umpisa pa lang, bumanat na si Karen ng mga tanong sa Ingles habang Tagalog ang mga sagot ni Alma.

At that juncture, Karen should have altered her thought process: pinoproseso niya sa kanyang utak ang mga tanong in English as she orally delivered them in the vernacular. Tuloy, an edgy Alma Moreno lost all she had except her pretty face.

Hindi ba na-brief si Alma bago isinalang, that those were the following questions that she had to answer? Kaya ang evasive stance ng hitad, “Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?” Sagot ni Karen, “Yes, because you’re running for Senator!”

Judgment call sana ang pinairal ni Karen, and that is to know kung napapahiya na ba ang kanyang guest o nag-e-enjoy na siya ang bumabangka sa interview.

Maliban kay Karen, marahil, any host would have done it another way minus the condescension na kulang na lang, she would walk out on her guest for being downright dumb.

As for Alma, knowing that she’s gunning a Senatorial seat kung saan Inglisan nang Inglisan ang mga nasa Senado na halos binubuo ng mga abogado, she should equip herself with sufficient knowledge lalo’t pagdating sa mga panukalang batas na nais niyang isulong should she get elected.

Poor Alma, she was made to look like she was just planning to set up her own “Karen-deria” in Parañaque.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleDirek Carlo J. Caparas, walang ibang choice kundi si Andi Eigenmann sa remake ng pelikula
Next articleDiether Ocampo, nilinaw na nasa Dos pa rin siya kahit may show sa Singko

No posts to display