AMINADO SI Alodia Gosiengfiao na ikinahihiya niya noon ang pagku-cosplay. Ito ang kanyang kuwento sa amin sa presscon ng Katinko Ointment, kung saan siya ang celebrity endorser kasama ang kapatid na si Ashley at ang nanay nilang si Mariglor.
“Dati kasi sobrang nahihiya rin akong mag-cosplay nu’ng nagsisimula pa lang ako. Kasi ‘yung costume namin, medyo iba nga. Pero ngayon, sobrang na-appreciate na siya ng community natin,” pagre-recall pa ni Alodia.
“When I was starting, ang gusto ko lang po sana ay ma-appreciate ng mga tao what cosplay is. And I’m just happy na ganu’n na po ngayon ‘yung treatment dito sa atin. Like we celebrate it, we honor it, we do events, and nakakatuwa kasi
sobrang tumataba ‘yung puso ko na nangyari ‘yung ganito,” sey pa niya.
Madalas wala sa bansa si Alodia dahil sa mga commitment niya sa Japan kung saan unti-unti na siyang nakikilala.
May tinanggap din daw siyang isang pelikula sa Japan. “It’s a very educational film, heart warming story, government will support po. Medyo confidiential pa po, eh. They will present me as a Filipino who loves Japanese culture,” kuwento pa niya.
Dahil very fashionable, si Alodia na rin ang pinag-design ng Katinko Ointment ng materials na gagamitin nila sa posters at billboard.
La Boka
by Leo Bukas