HABANG TUMATAGAL ay lalong nagiging bukas ang mga moviegoers sa pag-usbong ng indie films. Ngayong taon nga lang ay may dalawang bagong film festivals na nagbukas ng pinto sa mga talentadong Pinoy filmmakers na gustong maipakita sa mundo ang kanilang obrang pinaghirapan.
Dumarami na rin ang indie film stars natin ngayon na mas daring at mas kinikilala dahil sa kanilang pag-arte. May isang dalaga na ‘in-demand’ ngayon sa indie scene at ‘yun ay walang iba kundi si Althea Vega.
Naging maingay ang pangalan ni Althea Vega sa Cinemalaya Film Festival this year dahil sa mapangahas niyang performance sa pelikulang ‘Amor y Muerte’. Wala kasi itong kiyemeng gumorabels sa mga eksenang ipinagawa sa kanya. Mixed reviews ang nakuha ng pelikulang ito, pero hindi natin maikukubli na nakuha ng Ilocana beauty ang atensyon ng lahat.
Si Althea Vega rin ang babaeng bida ng ‘Metro Manila’. Ito ay mula sa direksyon ng British director na si Sean Ellis at official entry ito ng UK para sa prestihiyosong Oscars. Bongga, ‘di ba?
Ipinalabas ang Metro Manila sa iba’t ibang film festivals at may mga nakuha na rin itong awards and recognitions. Ginagampanan ni Althea Vega ang papel ni Mai Ocampo, isang ina mula sa Mountain Province na napilitang makipag-sapalaran sa Maynila kasama ang kanyang asawa (ginagampanan ni Jake Macapagal). Marami ang nagsasabing napaka-realistic ng tema ng Metro Manila at very timely ito dahil sa krisis na pinagdaraanan ng bansa ngayon.
Maliban sa pag-arte, magaling din na Flamenco dancer si Althea. Mapapanood ito sa isang Flamenco Recital on December 8 at 7pm in RCBC Makati with the Fundacion Centro Flamenco.
Ipalalabas na ang Metro Manila sa mga sinehan simula sa October 9. Abangan din ang paglabas ni Althea Vega sa pelikulang Bang Bang Alley, ang first full-length directorial job ni Ely Buendia. Magkakaroon na rin ng theatrical run ang ‘Amor Y Muerte’ sa darating na Nobyembre.
Mukhang si Althea Vega na nga ang isa pa sa matatawag natin na ‘Indie Film Princess’, huh! Go girl!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club