Altitude.7, bagong aabangang banda

Isa sa mahusay na banda ngayong henerasyon na dapat abangan ay ang bandang Altitude.7 na binubuo na mga guwapong bagets na sina Richmond Ramos (drummer), Kevin Saribong (vocalist), Alex Sanao (guitar), Mark Manela (pianist), at ang pinakabata sa grupo si Ranyle Ramos (bassist). 

Altitude.7

Altitude.7 landed a spot in the top 10 finalists in AlDub Songwriting Contest, of course sa tulong na rin ng mag-asawang Ritchie at Mirla Ramos na tumatayong mentor at manager ng nasabing grupo. 

Ang first single ng bandang Altitude.7 entiled “‘Di Mo Lang Alam” under Warner Music Philippines ay humahataw ngayon at mukhang magna-number one na sa MYPH.com. Available na rin ang kanilang mga awitin over Spotify, Apple Music, iTunes, and Deezer.

Sa ngayon, humahataw na ang grupo sa iba’t ibang proyekto. Sa katunayan, kaliwa’t kanan na ang kanilang mga guesting at mga gig. Nakalinya na rin ang kanilang mga campus tour, bar tour, and mall tour. This year, magkakaroon na rin ng second album ang bandang Altitude.7, ayon na rin sa kanilang mga manager sina Ritchie at Mirla. Ngayon nga ay pinaghahandaan na nila ito at ng grupo. 

Samantala, ngayong darating na March 21 (Tuesday), 8 p.m., gaganapin ang pinaka-concert launching ng banda sa Historia Bar located at # 5 Esguerra St., QC (near GMA 7 side of Caltex gasoline station). Makasasama ng banda sa nasabing show sina sina Garie Concepcion, LA Santos, at. Tori Garcia. Para naman suporthan sila, magpe-perform din ang mga bagets na sina Erika Mae Salas, Pauline Cueto, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, Rayantha Leigh, at Eumir Rader. Ito ay mula sa produksyon ng TJC Entertainment Productions at sa direksyon ng inyong lingkod at ni Leklek Tumalad.

Nagpapasalamat naman ang produksyon sa mga sponsors: Throycath Travel and Tours Agency, TEAM, Mesa Restaurant , Fernando’s Bakeshop, I-Spy, Erase Placenta, SVS Associates, at Karaoke Republic. 

For tickets, call/ text 0915-8507388; 02-5031309. 

Previous articleShowbiz newbie Tori Garcia, kaliwa’t kanan na ang natatanggap na offer
Next articleCesar Montano, umapela sa publiko na ‘wag paniwalaan ang akusasyon laban sa kanya

No posts to display