MAGANDA ANG 2014 ni Alwyn Uytingco pagkatapos ng sunud-sunod na project niya sa Kapatid Network. Isa siya sa long time mainstay ng Tropa Mo Ko Unli kung saan patok ang segment na “Paminta 101”.
Naging tampok din si Alwyn sa series na Beki Boxer kung saan umani ng papuri ang kanyang pagganap bilang boxer na tinatago ang kanyang tunay na kasarian. Matatatawag na effective siya sa lead role ng nasabing show. Kasama rin siya sa suspense thriller na Jasmine, kung saan akala ng lahat ay supporting role lamang siya pero siya pala ang murderous stalker ni Jasmine.
Isa nga sa mga pangarap niya ngayong taon ay makasama naman ang kanyang nobya na si Jennica Garcia sa isang project.
“Siya ‘yung nakakatawa. Sabi niya, ‘sana magkapatid tayo sa isang project.’ Sabi ko, ‘Huh?! Hindi ba mahirap ‘yun?’ Pero ako naman, kahit ano.”
Paglalahad naman ni Alwyn sa kanilang relasyon: “Never madali ang isang relationship. Kasi kapag madali ang isang relationship, may problema ‘yan. Si Lord na lang talaga ang nagbigay sa amin na ma-surpass ang lahat at ma-overcome ‘yung mga challenges.”
Asian super model Jodilyn Pendre, mas type si Naomi Campbell kaysa Tyra Banks
MAS GUSTO raw sundan ang yapak ni Naomi Campbell kaysa kay Tyra Banks ng Asian Pinay super model na si Jodilyn Pendre. Para kay Jodilyn, mas mabentang endorser daw si Naomi ng high-end brands kaysa kay Tyra.
Tsika pa nito nang makausap namin sa sneak peak ng Bench Naked Truth na magaganap sa Sept. 19 sa SM MOA Arena, “Gusto ko kasing maging international super model like Naomi Campbell, hindi ‘yung ugali niya, ha?! Kasi ‘pag si Naomi Campbell ang dumadating, lahat napapa-wow, iconin talaga siya. Kumbaga, halos karamihan ng mga modelo, siya ‘yung ina-idolize. Gusto ko ganu’n, alam kong mahirap, pero ‘yun nga ‘yung sinasabi kong pagtatrabahuhan ko para ma-achieve ko.
“Tsaka si Naomi, lahat ng high-end brands nila-lock siya bilang endorsers. Lahat yata ng sikat na brands, naging modelo siya, kaya ako gusto ko ganu’n din. Gusto kong dumating din ‘yung time na pinag-aagawan ako ng high-end brands katulad niya. Hindi sa hindi ko gusto si Tyra Banks, pero iba kasi si Naomi, kaya siya ‘yung idol ko.”
Sikat na Pinoy-Canadian singer na si Ramil Omosura nasa bansa
MULING BUMALIK ng Bansa ang sikat na Pinoy Canadian singer/producer at Senior Vice President ng 5linx na si Ramil Omosura para sa Unveiling ng 5linx Philippines na magaganap sa Sept. 13, 1pm, sa PICC. Kung saan magiging espesyal na panauhin ang 5linx founder Craig Jerabeck.
Bukod sa nasabing launching, nasa bansa rin si Ramil para sa Asian promo ng kanyang album na nauna nang nai-launch sa Canada at sa Amerika. Kaya naman sa 14 days niyang pananatili sa bansa, magkakaroon ito ng radio at TV guestings para i-promote ang kanyang album.
Nakatakda rin itong magkaroon ng mall tour na magsisimula sa Sept. 13 sa Starmall Edsa-Shaw at sa Sept. 14 sa Starmall San Jose, Bulacan. Habang nakatakda namang i-release ang kanyang next album bago matapos ang taon sa Canada at maging sa Amerika, kung saan magkakaroon din siya ng series of shows early next year para sa kick-off ng promotions ng kanyang album.
John’s Point
by John Fontanilla