Alyas lagalag

SA LOOB YATA ng humigit-kumulang na isang taong panunungkulan, 12 beses nang nangimam-bansa si P-Noy. Bilang bagong halal na lider, kailangan niyang makipag-ugnayan nang personal sa mga pa-

ngulo ng kalapit-bansa at ibayong dagat, lalung-lalo na sa Estados Unidos. Nangangahulugan na isang biyahe bawat buwan. Daang libong milyon na rin ang danyos sa kaban ng bayan.

Nu’ng nakaraang araw, umusad siya papuntang Estados Unidos sa personal na imbitasyon daw ni President Obama. Walastik! Pagkatapos, tutungo rin sa Japan para makipag-ugnayan sa Emperador. Double walastik! Kagagaling-galing niya sa Tsina at balita ay may dala siyang milyung-milyong investments sa bansa.

Hindi ko nais maging killjoy, subalit may natandaan lang akong pinangako ni P-Noy nu’ng nakaraang halalan. Lilimitahan niya ang biyahe sa mga bansang kailangang-kailangan lamang bisitahin at kung maaari ay ipagkatiwala na niya ang tungkulin sa mga embahador. Ano ang nangyari sa pangako? Ang iba bang bagong halal na pangulo ng ibang bansa ay nagbibiyahe buwan-buwan kagaya ng ginagawa ni P-Noy?

Nagdarahop sa kahirapan ang bansa. Sangkatutak na suliranin ang dapat bunuin araw-araw. Kailangan ng isang lider na focused at hands-on. Hindi isang lider na lagalag.

Balita, apat na biyahe pa sa Europa ang gagawin ng pangulo hanggang Disyembre. At sa Enero 2012, tutulak siya sa Middle East. Hanggang sa katapusan ng susunod na taon, puno na raw ang kalendaryo ng kanyang pagbibiyahe.

Ay, naku! Ano bang klaseng pangulo ang naihalal natin, hinanakit ni Aling Atang.

SAMUT-SAMOT

BROWNIE POINTS SA Pangulong Noy ang pagpapakulong kay retired AFP Comptroller Gen. Garcia. At least dito, pinalakpakan siya ng publiko.

Marami pang may katiwaliang opisyales ng AFP ang dapat ipakulong sa ginawa nilang pagsasamantala sa kaban ng bayan. Isa na sa mga iyan si Gen. Ligot at ang kanyang maybahay na walang-awang naglustay ng pondo ng AFP. Sana’y patuloy na magpakita ng political will ang ating korte sa mga katulad nila. Sinasaluduhan namin ang Senado sa kanilang mga ginagawang imbestigasyon.

Ano na ang nangyari sa pagiging anti-crime czar ni ES Jojo Ochoa? Ni isang denggeng lamok o langaw, wala pang napabalitang napahuli. Lalo nang nagkaroon ng breakdown sa peace and order. Araw-araw bawat sulok may patayan, may nakawan, may kidnapan.

Kaya kayang balikatin ni newly-appointed BoC Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang mapaghamong tungkulin?  Magkasundo ba sila ng kanyang deputy Gen. Danny Lim? Mga katanungang lumiligalig sa kaisipan ng bayan. Bagito at mukhang softie si Biazon. Si Lim naman ay mukhang palaban. Natural na magbanggaan ang dalawa.  Napakamakapangyarihan at malupit ang mga sindikato sa BoC. Nangangamba ang marami na lalamunin nila ang dalawa.

Quote of the Week:

Of the four seasons, I like autumn best. Maybe it’s because of the vibrant and awesome colors of autumn, or the serenity and the melancholy of the season.

Autumn is the time when one who has endured the noonday sun, can rest, look back, just be and say to oneself: “What is done is done, I did the best I can.”

In the autumn of our lives, may we look back with not so much regret that we loved little, too late.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleMalalaking buwaya at collector ni Gen. Decano
Next articleSpecial Power Of Attorney

No posts to display