NAAALALA NIYO BA ang unang pasabog ng Alyas Robinhood nang mag-umpisa itong i-ere last year? Bago pa man nauso ang viral na nerf gun confrontation nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) sa Ika-6 na Utos noong Mayo ay mas nauna na itong ginawa ng action-comedy series na Alyas Robinhood.
Marami ang napa-WTH last year sa unang episode ng Alyas Robinhood dahil sa isang fight scene sa bar ay bigla na lang nakalaban ni Pepe (Dingdong Dantes) ang red-haired angas boy named Chino. Nakakaloka lang dahil ang kanyang weapon of choice ay isang water gun na imbes na tubig ay apoy ang lumalabas! Kaloka!
Binash ang nasabing episode, pero for sure ay hindi lang maamin ng mga in denial na tuwang-tuwa sila sa campy style ng programa. Sa katunayan pa nga, sa pagkabaliw ng mga characters at fight scenes nila ay tumaas ang rating nito.
Kahit pa visible siya sa halos lahat ng episodes ng Alyas Robinhood dati ay very few ang nakakaalam ng real name ng versatile actor na gumaganap sa papel na Chino. Siya ay no other than Mr. Anthony Falcon.
Una kong napanood si Anthony Falcon sa pelikulang RequiemE five years ago where he played the role of Joana, isang transgender na gustong ipalibing ang kanyang close friend. Bongga ang performance niya rito na akala mo ay talagang transgender siya kaya naloka ako nang mameet ko siya after the gala night sa Cinemalaya dahil nakawala talaga ito sa character niya.
Simula noon ay lumabas na rin siya sa iba’t ibang indie films. Ang Alyas Robinhood na nga yata ang pinaka-mainstream appearance niya.
Marami sa loyal fans ng programa ang nagtataka kung bakit wala si Chino sa line-up ng cast ng book 2 ng libro. Bakit wala si Chino? Nasaan ang Squid Goals nila nina Michael Flores at Jade Lopez?
Tinanong ko si Anthony via Facebook chat kung anong nangyari sa character niya. Sa ngayon ay hindi pa siya nasasabihan kung babalik ba siya, pero kung magsisipag sigurong mag-tweet ang mga viewers ng show ay papakinggan naman sila. Nakakaaliw ang mga banat nila noon at sa bandang huling linggo nga ng book 1 ay bumait na si Chino.
Kunsabagay, sa Monday pa lang naman ang pilot week. Marami pa ang pwedeng mangyari.
Namimiss mo ba ang Alyas Robinhood family?
“Oo naman! Miss ko ang team. Magaan katrabaho silang lahat. From actors, creatives at prod staff. Naging kaibigan ko na yung nga actors na nakatrabaho ko dun. Kasama ko nga sina Michael at Jade ngayon!” kuwento ni Anthony sabay send sa akin ng kanilang Squid Goals group photo.
Nga pala, kasama rin si Anthony sa Pista ng Pelikulang Pilipino entry na AWOL, which is spearheaded by Gerald Anderson. Ang obrang ito ni Enzo Williams naman ay serious action film.
“I play the role of Bernabe. He is next in rank of Gerald. Parang kanang kamay. Hindi kami masyado nakapag-usap ni Gerald e. Tahimik lang siya. But I appreciate that the prod allotted time for us to train for our characters. So may isang araw kami before shoot for a military training and rifle handling.” Anthony shares.
Abangan na lang natin ang mga upcoming episodes ng bagong Alyas Robinhood at baka mamaya ay mabigla na lang tayo na may red-haired character na magrereturn of the comeback! Pak!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez