BIRU-BIRUAN SA thanksgiving ng Walang Hanggan (dahil consistent number 1 sa primetime at Philippine phenomenon) sa Gallery two nights ago ay ang pag-convince sa amin ng ilang staff na magkaroon na kami ng “bed scene” ni Arlene Muhlach sa teleserye para umabot na sa 50% ang viewership.
Sabi ko, “Pag-iisipan ko ‘yan, ha? Nakakahiya naman kung hindi ako titigasan. Hahaha!”
Pero seriously, very, very happy ang buong cast, staff and crew, dahil muli na namang pinatunayan ng Walang Hanggan team na “unbeatable” talaga ang teleseryeng ito na kinababaliwan ng mga Kapamilya.
Siyempre, proud na proud din kami, dahil “nadadamay” kami sa “suwerte” ‘pag nagna-number 1 ang isang teleserye. Kaya mula po kina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Noni Buencamino, Paulo Avelino, Julia Montes, Joem Bascon, Melissa Ricks, Ms. Helen Gamboa-Sotto, Ms. Susan Roces, Eula Valdes, yours truly, Arlene Muhlach, John Medina and Coco Martin, maraming-maraming salamat po!
VERY DISTURBING at mapapa-Eeeewww! ka sa ilang eksena sa isang entry ng Cinemalaya, ang The Animal, pero nirerekomenda namin ito sa inyo na panoorin ninyo sa pagbubukas ng Cinemalaya mula July 20-29 (me gala night ng July 27, 9pm sa CCP) para maging aware kayo sa mga nangyayari sa mga kabataang nasa alta sosyedad o coño boys.
Kahit hindi kayo coño, after watching the movie, para na rin kayong naging coño at kayo na rin ang magdedesisyon kung paano n’yong iiintindihin ang coño kids.
May isang eksenang nakadidiri roon sa CR, kung saan kahit matagal na kaming artista ay pag-iisipan naming mabuti kung gagawin namin ang eksenang ‘yon. Pero napabilib kami nang todo sa mga nagsipagganap na hindi naman mga artista, pero mahuhusay.
Mas mahusay pa nga sa ibang artistang ang tagal-tagal nang artista, pero hindi pa rin marunong umarte.
Mahusay sina Albie Casiño, Patrick Sugui at ‘yung bagets na si Dawn.
Gusto rin naming papurihan ang batam-batang direktor nito, si Direk Gino M. Santos na sa edad na 22 ay nakalikha ng ganitong obra. Nagtagumpay siyang maiparamdam sa mga manonood kung ano ang buhay ng ibang coño.
Congrats sa bumubuo at sana, mabigyan ng big break sa telebisyon si Direk Gino!
HOW IRONIC, ‘no? Si Nadia Montenegro, nakabati si Gretchen Barretto sa burol ni Tito Dolphy. Ang kademandahan naman ni Nadia na si Tita Annabelle, nagpang-abot naman ito at si Chito Alcid sa burol ni Tito Dolphy (pero in fairness, sa dining area naman).
Sa ngayon, hindi namin alam kung magbabati pa sina Annabelle Rama at reporter na si Chito Alcid, pero mag-dedemanda raw itong si Chito at ewan kung totoo ang narinig namin na ang magpi-finance ng demanda ni Chito ay ang kaibigan niya at kaaway naman ni Tita Annabelle na si Amalia Fuentes.
ME NAG-TWEET sa amin kung inaaway namin si Tita Annabelle, dahil daw sa itinwit naming, “Kung madalas kang makipag-away, baka wala ka nang time magka-peace of mind.” Patungkol daw ba ‘yon kay Tita Annabelle?
Juice ko, eh, ang dalas-dalas naman naming gawin ‘yong gano’n sa twitter, ‘no? Magkaibigan kami ni Tita Annabelle, kaso lang, gusto lang ding paalalahanan si Tita A na something is wrong with her attitude towards her enemies.
Parang kung lahat na lang ng kaaway mo, susugurin mo, pagsasalitaan mo nang masasakit, parang pinarurusahan mo lang din ang sarili mo. Parang ipinagdadamot mo na sa sarili mo ang pahinga.
Pahinga ng puso, pahinga ng dibdib, pahinga ng galit. At palitan sana ‘yon ng pag-ibig at kapayapaan ng kalooban. Naroroon na kami na normal na kay Tita Annabelle ‘yon, pero kung linggu-linggo na lang gano’n nang gano’n, hindi na namin alam kung ano ang tawag doon.
May we suggest na magpakonsulta sa isang espesyalista si Tita A, baka merong ipainom sa kanyang pampakalma o pampababa ng galit. Kasi, kung lagi ka na lang nagagalit, baka matiyempuhang atakihin ka sa puso, Tita A, ha?
Ayaw naman naming mangyari ‘yon. Kaya baka lang magawan pa ng paraan ng espesyalista bago tayo magsisi sa huli ‘pag hindi naagapan ‘yang problema ni Tita A sa “anger management”
Oh My G!
by Ogie Diaz