MAY MISSING milyones pala na ibinigay ang inang si Amalia Fuentes sa kanyang anak na si Liezel Muhlach-Martinez bago ito pumanaw dahil sa cancer kamakailan, na sa mensahe o katanungan ng dating ‘movie queen’, tila nawawala ito at kanyang hinahanap.
Akala ko, all’s well that ends well ang pamumhay nina Liezel at Albert mula nang patunayan ng mag-asawa na kaya nilang buhayin ang mga anak nila sa sariling sikap. Nagsimula ang ngitngit ni Amalia kay Albert mula nang itinanan niya ang kanyang unica hija. Nakipagsapalaran ang dalawa sa Amerika without the help of Amalia. Akala ko nga, nag-move-on na sila at nag-level up na lalo pa’t may mga mababait na mga apo ang dating aktres na bunga ng pagmamahalan nina Liezel at Albert.
Without us (the public) knowing kung ano ba talaga ang tunay na naging relasyon ni Amalia at ni Albert mula nang makipagtanan ang kanyang anak at pinakasalan ng kanyang anak ang aktor na sa simula pa lang ay kontra na ito kay Albert.
Sa kanyang social media account, nagsusumbong ang dating aktres na ngayon ay edad 74 na. “Are you wondering why Albert is so quiet about the disrespect of his two elder children to their Lola? His handlers have decided to make him out to be a long-suffering loving husband to preserve the carefully-crafted image he wanted the public to see!”
Kinumpara pa nga ni Amalia ang pamilya ni Albert sa pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Vllaruel. “Too late, you can’t fool the public, kaya no endorsements for them like Zoren and Carmina!
“If you are a good father, you will not allow this and I suspect you put her up to his hoping I will not react to her tirades!”
Bukod sa missing 2 million pesos na bigay ng ina kay Liezel before she died, “Gusto mo pa akong hingan ng 5M then 10M,” pagbubulgar pa ni Amalia.
Kung saan hahantong ang word ward na ito ay sana matapos na. Pangit tingnan sa mata ng pubiko na nag-aaway ang mag-pamilya dahil lang sa pera. Sa kaso ng mga dalawang mga anak nina Albert at Liezel, dapat marunong kayong rumespeto sa matatanda, lalo pa’t ina si Amalia ng mahal ninyong ina.
Reyted K
By RK VillaCorta