KAHAPON AY PINAGPIYESTAHAN sa internet, partikular na sa Facebook, ang arogante at mayabang na statement ng certain Rafael Santos, isang baguhang filmmaker na may short film entry sa Cinemalaya 2011 (starts July 15 at CCP theaters), pinamagatang “Samarito” topbilled by theater actress Bea Garcia.
Ang nasabig panayam ay naganap recently sa isang show sa ANC kung saan guest si Santos, kasama ang dalawang iba pa.
Sa na-post na video, medyo hindi maganda ‘yung recording ng audio. Narito po:
Host: You also used theater actors for your film. Is it usually the case when you do shorts or independents, do you usually get theater actors and not some of the big names in the industry?
Santos: Ah, well, personally, I find the theater actors, better to work with because they don’t complain, you can feed them Sky Flakes three meals a day, and pay them in catfood basically.
Host: Because they usually do it for free a lot of the time.
Santos: And they’re never late. They cry when you want them to cry. Other actors kasi, you have to hit them first, so that’s why I like working with theater (something) …”
Umani ito ng maraming batikos sa Facebook, kabilang na ang pagkundena namin sa hambog at mayabang na director kuno na ito na nagsisimula pa lang naman, akala mo kung sino na.
Ano’ng karapatan niyang maliitin ang film and TV actors? Given na opinyon niya ‘yun, pero para mo na ring nilait at hindi na rin nirespeto ang damdamin ng theater actors mismo – sa pagsasabing Sky Flakes lang pala eh, talu-talo na ang papakain mo sa mga actor galing teatro?
At saan ka nanggagaling sa pagbanggit mo pa ng catfood? Gosh. Ngayon lang kami naka-encounter ng ganito kahambog na director, na nabigyan lang ng pagkakataon ng Cinemalaya to be a “short film” director eh, nagmamarunong na? For sure, magiging “short lived” din ang karera niyan dahil sa inasal niya on national TV interview!
Hindi kami sure pero may tsikang anak pa nga raw ito ng isang respetadong lawyer at public official. Nasa profile rin nito na ang mentors nito sa scriptwriting ay sina Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen, at Mark Meily.
Ano kaya’ng masasabi ng mga mentors niyang ito kapag napanood ang nasabing panayam ni Santos?
DALAWA SA MGA vocal sa pagsasabi ng kanilang disgusto at galit, thru FB pa rin, ay dalawa sa mga batikan, tunay na mahuhusay at mga respetadong theater actors sa bansa – sina Pen Medina at Ricci Chan.
Post ni Medina: “Sa upo pa lang n’ya, kita na ang yabang! If it was an attempt to be witty, then he failed miserably!
“Yes, Mell. BOYCOTT! ‘Yung iba d’yan, ‘wag kumagat sa promo gimik ng kumag na ‘yan.”
Grabe ang feedback at haba ng thread sa wall ni Medina, at galit na galit ang mga kapwa nila theater actors, kabilang na ang mga nakatrabaho niya sa isang pelikula.
“We were not fed Skyflakes or catfood either. We had fun doing that film. This Rafael Santos’ career is nipped in the bud! Short film pa lang ‘yan ha!” Galit na galit na post ni Pen Medina.
As per Ricci Chan, kilalang honest din sa kanyang damdamin ay isa rin sa mga nag-uumapaw ang galit sa tinuring nu’ng Santos.
Sabi ni Ricci: “Aawayin ko siya. I think he’s the one who needs to go to acting school para naman he can convey comedy/ sarcasm much clearer.
“Also, when you engage in witty banter, you proceed, afterwards, to explain the truth to the question you …just answered.
“Seeing that he stopped after saying that awful punchline meant that it was the only thing he intended to say.
“So either masama talaga ang ugali niya, or bobo siya. Or both.”
Maya-maya ay may update post na uli si Ricci sa naturang thread:
“Guys, update: the arrogant Rafa Santos refuses to apologize daw kasi his statement was “taken out of context.” WHAT CONTEXT?! Boycott na talaga ito!” tili ni Ricci in his post.
Saang kangkungan pupulutin ang baguhang direktor na si Rafael Santos kung ganito ang ugali niya? Ang dapat sa kanya’y ibitin nang patiwarik, huh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro