LIMANG TAON DIN palang nawala sa concert scene si Janno Gibbs, at hindi biro ang mawala sa “eksena” nang ganoon katagal.
Naging isyu nga kasi sa career ni Janno at that time ay problema niya sa pagiging “unprofessional” tulad ng pagiging late lagi sa Party Pilipinas, ayaw mag-rehearse ng numbers niya, etc.
Nang makausap namin recently si Janno, inamin nitong “insomniac” pala talaga ito, as in hirap makatulog – at hirap magi-sing – kaya nale-late sa kanyang commitments.
Pero sa pagkuha niya sa PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan bilang kanyang new business manager, nag-take as a challenge para kay Janno ang tuluyan nang magbago at patunayang kaya pa rin niyang “makabalik”.
“Hindi na ako nale-late nga-yon, one hour before ay nasa Party Pilipinas na ako, at nagre-rehearse na,” say ni Janno, na sumusumpang nagbago na nga raw siya.
Kung level ng isang Janno Gibbs, matagal nga ang limang taong walang solo concert, kaya first project niya under PPL ay ang Janno Gives concert niyang gaganapin ngayong Sabado, October 15, sa Music Museum, Greenhills.
“Sampung taon ko na itong pinaplano, ipalalabas ko sa concert ‘yung original version ng We Are The World, at lahat ng singers doon, ako ang kakanta,” say ni Janno.
Guests nito sa Janno Gives concert sina Dingdong Dantes, Jaya, Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado, at Dennis Trillo.
Ang proceeds ng concert ay para sa benefit ng Para Paaralan project ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.
Say ni Janno, alam niyang mahigpit ngayon ang kumpetisyon sa music industry.
“Kaya ko pa namang makipagsabayan sa mga bagong singers,” confident niyang wika. “Ang maipagmamalaki ko ay ang aking voice at ang passion ko pa ring kumanta, mag-compose, at mag-entertain.”
Wala umano siyang ni katiting na insecurity na napi-feel sa kaibigang niyang si Ogie Alcasid.
“Wala sa katawan ko ang insecurity. Kumpare ko si Ogie at natutuwa ako sa kanya, OPM President siya and all, pero happy ako talaga for him.
“Mas marami lang siyang hits sa akin, pero I also have my own hits, and natutuwa ako na forever na ‘yun sa masang Pinoy na kinakanta pa rin ang songs ko until today.”
STILL ON JANNO, tila nabura na ang matagal nang isyu na nagkakalabuan na sila ng asawang si Bing Loyzaga.
“Hindi lang kasi ako mahilig magpa-interview sa press eh, ganoon din si Bing.
“Pero masaya ang family. Nagwo-work na rin ang panganay namin. There was a time na minanage din ni Bing ang concerts ko.
“Masaya si Bing na nagbalik na ‘yung drive ko, na for a time ay nawala, eh.”
Swak lang daw talaga ang kanilang personalities sa isa’t isa – malakas ang personality ni Bing, at siya raw ay “chill” lang, kaya nagbe-blend ang kanilang samahan.
“Alam kong masaya si Bing sa pagbabalik ko dahil medyo nawala nga ako, pero alam kong kaya ko pa naman. Malaki rin ang pasasalamat ko sa PPL sa pagtitiwala nila sa akin,” say ni Janno.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro