Noong napabalita na namatay na si Direk Wenn Deramas noong Lunes ng umaga, ang TV host na si Amy Perez ay nasa Lingayen, Pangasinan para sa pang-umagang morning show ng Kapamilya Network na “Umagang Kay Ganda”.
Naghihintay siya ng kumpirmasyon ng mga kaibigan at dahil mahirap ang signal ng telcom sa kinaroroonan niya, walang makapagkumpirma sa balita.
On her way back that same day after ng UKG remote telecast at papunta na siya sa ABS-CBN para sa noontime show na “It’s Showtime”, na-confirm lang ni Amy ang balita ng paglisan ni Direk Wenn nang malapit na siya sa Dagupan area.
Kuwento ni Amy Perez, matagal na niyang kaibigan si Direk Wenn Deramas. Gag writer daw nila ito noon sa isang show ng ABS-CBN, kung saan kasama pa niya ang APO trio nina Danny Javier, Buboy Garovillo, at Jim Paredes.
“EP (executive producer) siya nun ng “Teysi ng Tahanan” ni Ms. Tessie Tomas at may isang segment dun na dramatization ng isang kuwento, siya ang nagdi-direk ng segment. Parang ito yata ang first directorial job niya and the rest is history,” salaysay ni Amy sa kanyang DZMM radio show with Mark Logan tuwing umaga na “Sakto”.
Kuwento pa ni Amy, “Siya ang nag-convince sa akin na umarte. Tumanggi pa ako dahil hindi naman talaga artista.”
That day, on her way to Manila para sa “It’s Showtime”, nagulat na lang ang celebrity host nang biglang nag-on ang kanyang tv sa loob ng kanyang sasakyan.
Alam ni Amy, si Direk Wenn ‘yong nagparamdam na kinukumpirma lang na ang nabalitaan niya earlier that day ay totoo.
Reyted K
By RK VillaCorta