Larawan sa Canvas: An Interview with the Baby Face Mat Ranillo III

Whoah! Ang init grabeh! Kaliligo mo lang, papawisan ka na naman ng malagkit sa katawan, nabawasan din ang mga bad at good cholesterol kaya hihina ang katawan mo? Nyak! Tubig lang ng tubiiiiiiig! Anyway, tuloy ang trabaho araw-araw, tapos na ang 2010 Elections, mabuti’t hindi nagkaroon ng major failure ang PCOS machines. Sana pag-usapan na ang ating kaunlaran, ‘wag na ang mga walang katapusang paghihiganti. Anu’t anuman, umaasa ang ating mamamayang Pilipino sa pagbabago ng sistema ng pulitika sa ating bansa, patungo sa isang kaunlaran. Sana ang mga nangakong kandidato ay hindi masira sa kanilang mga ipinangako. At kung iisa ang layunin, paunlarin ang ating bansang Pilipinas. Binabati ko kayong mga nanalo, alam n’yo inaabangan ito ng buong daigdig. Sikat ka Pinoy!

PAGSASALARAWAN SA CANVAS

Grabeh! Isalarawan na kaya natin sa canvas ang ama ng kontrobersiyal na actress – si Mat Ranillo III – at tingnan natin ang kulay ng aming usapan.

Maestro: Mat… okay ka lang bang interbyuhin?

Mat: Oo naman.

Maestro: Mat… ah, si Krista, nakita kong magiging mahusay na artista. Nakita ko ‘yong indie film niya, ‘yung Paupahan. Mat: Mahilig ka din ba du’n?

Maestro: Ahum! Actually, talagang nagre-review ako ng mga pelikula minsan, ng indie films sa Cinemalaya. Iyong anak mo na si Krista (Ranillo) sa tingin ko ha, ‘eto na sasabihin ko sa iyo magiging mahusay na artista.

Mat: Ah, thanks!

Maestro: Naumpisahan niya lang ‘don sa indie film, sa Paupahan, hindi naman bold pero nakita kong mahusay… mahusay. Pero naniniwala talaga akong sisikat siya at magiging kontrobersiyal na actress o makikilala nang husto.

Mat: Ah, meron ka rin palang ano, ha….?!

Maestro: Hindi naman… ha-ha! Maalala ko, nasabi ko noong nakita ko si Robin Padilla, baguhan pa lang siya noon sa horror movie, I think 80s pa‘yun, at sinabi ko sisikat ito. Si Marian Rivera, doon sa palabas nila sa TV sa GMA-7, Super Twins nila ni Dennis Trillo. Ang sabi ko, wala itong pinipiling role, pero may charisma, sisikat siya. Kasi bilang artist, nakikita ko sa facial expression at body language or human proportion ang acting kung may ibubuga ang isang artista. (Ang interview na ito ay taong 2008 pa, two years nang nakararaan, dahil kasama itong na-stock nang masira ang recorder ko. Ganon pa man, nakita kong muli, kaya naisalarawan dito sa aking canvas.)

KULITAN LANG AT USAPANG DISIPLINA

Inamin niya sa akin ang sikreto niya – ang stop na ang smoking at tuwing may okasyon lang – kaya nanatili siyang may baby face sa gulang na 50 years old. At pati ang drinking ng liquor na ayon sa kanya, pinagmumulan ng pagka-dry ng skin.

Maestro: Pero hihinto ko na talaga? Ah, disiplina, parang ano kayo, tingin ko sa inyo, mga moralista kayo. Masyadong disiplinado?

Mat: Yeah, iyong post-war discipline. Alam mo ‘yung more physical and a little psychological. Ganu’n ang matatanda nu’ng araw.

Maestro: Well, inabot mo rin iyong uno por uno na palo, ha?

Mat: Palo at asin, ‘di ba?

Maestro: ‘Di ba, munggo, ha-ha! Inabot mo rin iyon?

Mat: Oo, ‘di ba?

Nagtapos si Mat Ranillo III sa San Beda College major in Customs Administration. Nakatambal na rin niya sa kanyang panahon sina Nora Aunor, Vilma Santos, Vivian Velez, Lorna Tolentino, Alma Moreno, Alona Alegre, at iba pang mga kilalang actress. Noong 1979, nanalo siya ng Best Actor sa Famas. Alam ba ninyo? Nakagawa lang naman siya ng halos 50 pelikula. Wow, huh! Grabe na ‘toh! At siyempre, sa maamo at makarismang niyang mukha ay gumanap din siyang “Kristo” Sa CCP stage theatre at “Kristo”bilang Lenten season movie.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articlePalakas ka pa! (Glaiza de Castro-Leo Martinez)
Next articleBad Fingers?! (Toni Gonzaga-Sam Milby)

No posts to display