An1mo!

KUNG ANG UST Growling Tigers ay gumawa ng kasaysayan sa pagkakapanalo sa top-seeded team na NU Bulldogs sa Semis at ang kauna-unahang fourth seeded team na nag-advance sa Finals, ang DLSU Green Archers naman ay inulit ang kasaysayan noong 1999, kung saan tinalo nila ang UST sa ikatlong round din ng best of three ng Finals. Nakamamangha din dahil noong 1999, UST rin ang nagkamit ng unang panalo at hindi na ito pinaulit pa ng DLSU sa pagkakapanalo ng sunud-sunod sa Round 2 at 3 ng buong Finals.

Nakaiinggit nga ang mga taong nakapanood nang live mismo sa MOA arena ng UAAP Season 76 Basketball Men’s Finals dahil ang parehong teams ay nagbigay ng napakaganda at nakasasabik na game! Halos makalaglag-puso ang bawat segundo na lumilipas sa larong iyon. Sulit na sulit ang panonood dahil kung sa mga unang quarter, lamang na lamang na ang Growling Tigers na halos umaabot sa 15 puntos, nagawa pa itong mahabool ng Green Archers. At magmula noon, naging dikit na ang laban at halos papalit-palit na lang ang lamang. Umabot pa ito sa pagkakaroon ng overtime.

Kahit limang minuto lang ang mayroon sa overtime, samu’t sari na ang kaganapan sa iilang minuto na iyon. Sa bagay, sa larangan ng basketball, ang bawat segundo ay mahalaga na maaaring makapagpabago ng kapalaran ng isang koponan. Akalain mo na sa 34 segundo na lang ang natitira, lamang pa ang UST ng dalawang puntos sa iskor na 69-67. Hindi ito pinabayaan ng DLSU at tumira ng nakagigil na baseline jumper si Vosotros na kilala na rin sa kanyang bansag n VosoTRES na nagdulot sa pagkakalamang nila ng dalawa sa iskor na 71-69.

Kayang-kaya pa sana itong mahabol ng Growling Tigers dahil sa anim na segundo na natitira, nasa UST pa ang possession ng bola, iyon nga lang kinulang ang pag-shoot. Nag-time out ng may 2.3 seconds na lang pero wala na ring nagawa ang team.

Gayunpaman, hindi maikakaila na binigyan ng UST Growling Tigers ng magandang laban ang DLSU Green Archers. Isama mo pa rito ang nagpapadagdag ng thrill sa laban, ang Teng brothers na sina Jeron ng DLSU at Jeric ng UST. Ang parehong player ay may malaking naiambag sa kanilang team at school community. Paniguradong proud na proud sa kanila ang kanilang magulang.

Ang huling panalo pa ng Green Archers ay noong 2007 pa. Paniguradong malaking victory celebration ang magaganap sa De La Salle University dahil sa kanilang pagkapanalo. Biruin mo champion na sila sa taong ito, nangunguna sa lahat ng UAAP schools para makamit ang over-all championship crown, tinuldukan pa nila ang limang taong paghahari ng mahigpit nilang katunggali na ADMU Blue Eagles. Aba, champion na champion nga! Congrats Green Archers! An1mo La Salle!

Para sa inyong mga suhestyon o komento, maaaring mag-email sa [email protected] o mag-text sa 0908-8788536.

Usapang Bagets

By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 6 Issue 127 October 11 – 13, 2013
Next articleKuh Ledesma, proud na maging diva ng mga beki

No posts to display