SA LUNES, August 31 na ang airing ng bagong teleserye ng ABS-CBN na All Of Me. Pangunahing tampok dito sina Yen Santos at JM de Guzman.
Kabilang sa cast nito ang award-winning actress na si Ana Capri. Ginagampanan niya ang role bilang mabait at supportive na ina ni Yen.
“Kahit light lang ‘yong role, I still find it challenging,” sabi ng aktres. “And minsan nahihirapan ako sa role ko rito. Kasi siyempre, kailangang i-adjust ko ‘yong edad ko. Tapos, hindi pa naman ako talaga mom in real life. Pero siyempre dahil nabibigyan ako ng chance to portray a lot of mother roles, lately medyo nakakapado ko na siya.”
Mid 30’s lang si Ana. Kaya sa totoong buhay ay parang kapatid lang niya si Yen.
“Iyon nga ‘yong parang adjustment ko na… kasi siyempre off-cam, para lang kaming magkabarkada sa set. And then pagdating sa eksena, nanay niya ako. So, parang ‘yong sincerity ko as her mom do’n sa scene namin… siyempre lahat ng adjustments iisipin ko. Na nandito ako sa ganitong edad, tapos kailangang makita o mag-register sa akin na… ‘yong feeling e, kailangang maka-relate sa akin ‘yong mga nanay, ‘di ba? E, hindi pa nga ako isang ina in real life. So, ‘yon ang medyo mahirap at challenge sa akin.
“Pero malaking tulong na marami akong mga pamangkin na for me they are like my kids na rin. Meron nang teenager na rin sa kanila na halos lumaki na rin sa akin. So, ‘yon ang pinaka-parang basis ng experience ko as a mother. Do’n ako humuhugot.”
Baguhan pa lang si Yen. Pero how does she find her as an actress?
“She’s okay. She’s good. I mean for a young actress… she’s really studying her role. At saka very ano siya, masarap siyang katrabaho, tawa lang kami nang tawa. Mag-ina ang role namin. Pero off cam ay para nga lang kaming magkabarkada. And ‘yong treatment ko rin do’n sa character as the mother of Yen… hindi naman siya ‘yong stiff, e. Parang cool mom lang siye, e.”
Si JM naman, kumustang katrabaho?
“Okey rin si JM na katrabaho. Mabiro. Kung minsan, tahimik lang. Pero kapag nagbiro naman siya, matatawa ka naman talaga rin.”
There was a time na nagkaroon ng attitude problem si JM towards work. Ito ang panahong napapabalitang nadi-depress ang aktor at maraming emotional baggages, tapos nagkaroon pa ng usapin on him about drugs. Hindi na ba nagiging problema o sakit ng ulo ng production staff si JM ngayon gaya ng issue sa aktor dati?
“Hindi naman. He’s very professional pagdating sa trabaho. And even no’ng nag-usap kami no’ng nakaraan, sabi niya… ngayon, kasi hindi naman lahat nabibigyan ng second chance at naranasan na niyang mawalan ng trabaho. Kaya ngayon, mas marunong na raw siyang pangalagaan kung ano ang meron siya ngayon.”
Before, Ana had her time bilang isa sa pinakapinapatasyang sexy stars. And during those days, talagang laging conscious siya sa kanyang hitsura at katawan. Gano’n pa rin ba siya sa ngayon? Kasi kapansin-pansin na laging fresh at blooming pa rin ang kanyang beauty at gano’n pa rin siya ka-sexy.
“Actually nga no’ng nag-stop ako na mag-sexy lalo na lately, I think I have become more… not naman vain. A… more confident at saka mas nahanap ko kung ano talaga ang gusto ko. Na parang… mas na-develop ‘yong style. Kasi no’ng time na nagpapa-sexy ako, ang odd lang no’n… tomboyish ako. So ngayon, mas nai-embrace ko ang pagiging woman ko. So, mas nai-enjoy ko siya. Siguro kaya siya nagri-reflect (the womanhood).
“Pero ‘yong vanity side… yes. Right now, I wanna go back to gym at mag-work out na mas regularly. Recently nga, nag-enroll ako sa pole dancing. And then regularly I do boxing and all that. Tapos siyempre, regular din akong nagpapa-facial. Tungkol naman sa diet, I’m trying my best. Kasi may konti pa rin akong fats sa katawan, pero hopefully it will melt soon.”
Food ang kanyang weakness. Hanggang ngayon ba ay nati-tempt pa rin siyang magkakain?
“Minsan,” tawa niya. “Pero I still love to eat. May discipline na nga lang ngayon at hindi na ‘yong super-eat talaga. At saka I eat healthy at hindi na masyado sa rice.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan