Bakit nga ba pinasok na rin ni Ashley ang pag-aartista?
“For me po, since I always see my dad na din po on TV and my tita (Cheska Diaz) din po, tapos si lolo nga (Paquito Diaz), na-influence na din po ako in a way. Na parang it felt like I belong here din talaga. And Parang fulfilling po for me to act,” sagot ng dalaga sa PUSH.
Kasama si Ashley sa cast ng Di Na Muli bilang kapareha ni Andre. Napapanood ang series sa Vivamax.
Kelan ba niya nalaman na ready na siyang mag-showbiz?
Aniya, “When I felt the support na po of my parents do’n ko na feel na I was ready na to pursue my studies and career po at the same time.”
Pero kabilin-bilinan daw ng father niya na huwag pababayaan ang kanyang pag-aaral.
“Si Papa po ang advice niya sa akin is to have fun and huwag kalimutan yung studies ko kasi super important po kay Papa yung studies. Kailangan ko ring matapos,” sabi pa ni Ashley.
Lumaki si Ashley na napapanood ang pagkokontrabida ng amang si Joko na naging bahagi ng afternoon ABS-CBN series na Kadenang Ginto. Curious din daw siyang subukan din na magkontrabida if given the chance.
“Gusto ko po actually maka-experience na maging kontrabida and feeling ko magagawa ko siya kaya im interested po,” reaksyon pa niya.
Dagdag ni Ashley, “Sometimes yung mga friends ko parang inaasar lang nila ako kasi nga bad yung nagiging role ni papa, pero hindi naman ako nabu-bully or something. And kapag bini-bring up nila yon it’s always good feedback naman po.
“Kapag kinukuwento ko po kina papa yon nautuwa po siya. Kasi ibig sabihin daw po no’n na nagagawa niya po nang tama yung role niya.”
Samantala, bukod sa pagkokontrabida, marami rin ang nag-i-encourage kay Ashley na sumali ng beauty pageant in the future.
Lahad niya, “I’ve had offer po pero I’m still looking into it po and asking my parents po for advice kung ano pong gagawin.”
Ang mom ni Ashley ay naging flight attendant for 20 years pero ngayon ay isa nang Immigration officer.