NOT NECESSARILY A blind item: More than a week ago, naghamon ang misis ng isang sikat na personalidad na pakitaan lang daw siya ng ebidensiyang may kalaguyo ang kanyang asawa ay handa siyang magbigay ng pabuya.
In all her surgically enhanced form, hindi cold cash ang papremyong willing niyang ibigay, kundi isang mamahaling signature bag which she herself collects. Ito’y sa kabila ng nagdudumilat na mukha ng kahirapan ng maraming Pilipino—most specially the most recent typhoon victims—na kahit ordinaryong bag lang na mapagsisidlan nila ng kanilang mga maisasalbang gamit ay bastante na.
In fairness to the wife, her “dare” was obviously a joke. Tumatawa-tawa pa nga siya when interviewed. A week later, pinatotohanan nga ni misis na isang malaking biro lang ‘yon, ewan kung pinanghihinayangan niya ang gumastos on an expensive bag should any woman out there come forward and say, “Akin na ang bag, I am your husband’s mistress!”
The “spotlight,” however, should veer away from the legal wife. Hindi na mahalaga ngayon ang kanyang pabuya, as she is supposed to be the recipient of the pabuya herself, the pabuya being the truth na manggagaling mismo sa kanyang asawa.
Gaano ka-significant ang isa sa mga huling araw ng buwan ng Setyembre para sa mister ni misis? May kung ano bang mahalagang okasyon ang naganap, na lingid sa kaalaman ng maybahay?
Sa araw rin bang ‘yon “nabinyagan” ang isang pinakatagu-tagong katotohanan, na kung patuloy mang pinagdududahan ni misis ay isa lamang “suntok” sa buwan?
(By Ronnie Carrasco III)