MISMONG ANG NURSE-FRIEND ko ang nagkuwento tungkol sa pagiging maangas ng isa sa apat na anak ng isang tanyag na lalaking personalidad, nang ma-confine ito kamakailan sa isang ospital somewhere in Sta. Rosa, Laguna.
Siya kasi ang attending nurse ng bagets, na mahigpit nitong bilin ay dapat laging naka-lock ang kanyang kuwarto. Ayaw niya kasing labas-masok ang sanrekwang hospital staff, tanging ang aking nurse-friend lang ang gusto niyang nakatutok sa kanya.
“Siyempre, hindi naman 24 hours akong naka-duty, hindi lang naman ako ang nurse na naka-assign sa kanya. Kaya tuloy ‘yung head nurse namin, ‘yung sked na ibinigay sa akin, eh, kung kelan na lang gising ‘yung pasyente,” paliwanag ng aking source.
All throughout the bagets’ confinement ay minsan lang daw siyang dinalaw ng kanyang mga magulang who had to watch over him for only a good 30-minute stay. “Siyempre, dahil sikat ‘yung tatay, talagang pinagkaguluhan siya sa buong ospital. Hayun, dahil sa dami ng mga nagsisiksikang tao, nagkandabasag-basag ‘yung salamin sa ospital. n fairness, binayaran naman ni (sikat na male personality),” kuwento ng nars.
Da who ang tatay ng supladitong bagets? Isa siyang A.) artista; B.) atleta; C.) pulitiko; D.) all of the above.
(By Ronnie Carrasco III)