Anak ni Malu Barry, nakikipaglaban pa rin kay Kamatayan!

AS WE GO to press ay comatose pa rin ang 27-year old anak ni Malu Barry na si Charles Louis nicknamed Abby who got seriously injured in a road mishap. February 2010 pa pala nu’ng maganap ang insidente, patawid noon si Abby sa isang kalsada sa Cebu bandang ala-una ng hapon when he got sideswiped by a speeding van.

In a phone patch interview on QTV’s Tweetbiz, isa ang inyong lingkod na nag-interview sa singer (palbihasa Malu and I go a long way, ‘yun ‘yong nagsisimula pa lang siyang gumawa ng pangalan sa showbiz). Kaliwa’t kanan ang mga show ni Malu sa Maynila, not in her bid to revive her singing career but to raise funds for her son who’s still fighting for his dear life at the ICU of a Cebu-based hospital.

Nakiusap na nga raw si Malu sa doctor nito na tapatin siya kung ano ang chances of survival ni Abby. Masakit daw sa tulad niyang ina na nakikitang nasa unconscious state ang anak. But if to aggravate matters, ang taong nakasagasa sa kanyang anak ang may gana pang magalit sa halip na magpakumbaba.

Kung mababasa ito ng taong ‘yon, hoy, makunsensiya ka naman. Kung hindi ka pa isang ama, balang-araw ay magiging magulang ka rin. Dahil sa inasal mong ‘yan, hindi lang “comatose” ang kaluluwa mo kahit nabubuhay ka pa sa lupa…. Tigok na!

Para naman kay Malu, dasal naming mga kaibigan mo ang kaligtasan ni Abby.

HINDI MAAARING AKUSAHAN si Senator Loren Legarda na isang campaign tool ang climate change documentary na idinirehe ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza titled Buhos. Translated ‘Downpour,’ very catchy ang blurb nito sa poster: “Pag nagalit ang kalikasan, mahirap takasan.”

Kahit na bago ang krusadang ito ni Loren sa ating kapaligiran, so is the collaboration between her and direk Dante (Brillante’s nickname) that took place as early as May 2009 bago pa man tayo sinalanta nina Ondoy at Pepeng.

That was about the time when Dante scored victory at the Cannes Film Festival kung saan tinanghal siyang Best Director for his indie film Kinatay. Si Loren pa nga ang nanguna sa Senado na bigyan ng kaukulang recognition ang director whom she hardly knew from Adam. Pinahanap daw niya ito sa kanyang staff.

Truth to tell, hindi pamilyar ang batikang direktor sa paksa ukol sa climate change, isang nakaamba nang katotohanan of catastrophic proportions hindi lang dito sa ating bansa, kundi saan mang bahagi ng daigdig. Which is quite understandable based on Dante’s string of indie movies that carry no such theme.

For his part, ayaw ring pag-usapan ni Dante ang pulitikal na pananaw, let his directorial assignment (Buhos) serve as an eye-opener to each one of us, globally, that is.

Timely ang docu na ito dahil kelan lang ay ipinagdiwang natin ang Earth Day (April 22). In a matriarchal society such as ours, dapat din nating ibilang si Inang Kalikasan na dapat nating alagaan at mahalin.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleNyoy Volante, hindi sa acoustic nagsimula
Next articleStars Candid: Hirit ni Sunshine: Sayawan na lang!

No posts to display