NAKAKATUWA ang ginawa ng seven year-old daughter ni Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla Jr na si Ayesha Zara na alalahanin ang ilang pasyenteng lumalaban sa covid-19 sa pamamagitan nang paggawa niya ng personalize getwell soon cards para ibigay sa mga ito.
Bukod sa getwell soon cards ay gumawa rin si AZ ng personalize thank you cards para naman sa ilang frontliners. Ito ang maliit na paraan ng bata para magbigay-pugay sa mga itinuturing na bagong bayani ng bansa.
Ani Yasmien, “Proud of my girl! Ayesha Zara made get well soon cards which will be given to the isolated Covid-19 patients as part of their breakfast trays to brighten and uplift their spirits… and thank you cards for the Frontliners.
“Hope these bring you smiles. Umabot na sa mga frontliner yung mga ginawang cards ni AZ at sa mga Covid-19 patients.”
Bukod sa paggawa ng personalize cards ay nag-alay din ng kanta sina Ayesha at Yasmien na mapapanood sa Instagram account ng aktres.
Binigyan ng sariling interpretasyon ng mag-ina ang kantang Heal The World ni Michael Jackson. Inihandog ni Ayesha ang kanta para sa mundo na nakakaranas ng corona virus pandemic.
“This song is dedicated to the world. I know God will heal it,” wika ni AZ sa simula ng video na ipinost sa Instagram noong March 18, 2020.
Nagbigay din ng maigsing mensahe ang bata para sa mga taong naka-quarantine din ngayon katulad ng kanilang pamilya.
“All of this will end soon and everything will be back to normal,” sambit pa ng panganay ni Yasmien.
Umani naman ng mga positibong reaksyon sa social media ang duet nina AZ at Yasmien. Very inspiring daw ang kanilang ginawa.
Samantala, may paraan din si Yasmien para matulungan ang ilang pamilyag apektad ng COVID-19 crisis.
“Now repacking para sa mga kapit bahay na less fortunate, at mga iba pang nangangailangan ng maliit na tulong. Nawa’y tayong lahat ay maging instrumento ng Diyos para makatulong sa kapwa.
“If anyone who has no work and no pay is hungry, please don’t go to sleep with an empty stomach. Don’t be afraid or embarrassed to message me. We will be more than happy to share food we have. I will GrabExpress or LalaMove. And there will be absolutely no judgement. It’s now our turn to show kindness during these difficult times,” caption ng aktres.