HINDI MO masisisi ang anak kung ‘yan ang tingin niya kay Presidente Duterte.
“Sh*tty!” ang tawag ni Kakie Pangilinan, anak nina dating Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta nang pasimulan ni Digong ang tsismis tungkol sa pagsasama ng mga magulang niya na kung tutuusin, ano naman ang pakialam ng isang presidente sa relasyon ng dalawa na sa dami ng dapat niya pagkaabalahan, kung anu-ano pa at kung saan-saan nakapokus ang atensyon ng Presidente ng Pilipinas.
Kalokah ka Teh. Ang daming problema ng bansang Pilipinas, tinalbugan mo si Manay Lolit at Kabsat Cristy Fermin para maiskup nila ang pinasimulan mo na tsismis sa relasyon nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Ang ganyang klase ng mga pinuno ang pagkakamutan ko na lang ng ulo. Bwahahaha.
Teh, wag mo agawin ang hanapbuhay ko. Tsika pa more. Chismis pa more. Welcome to the club Ateng! Kalurkey ka! Ha ha ha…now galit ang mga Sharonians sa iyo.
Galit si Frankie sa nangyari. Nananahimik ang pagsasama ng mga magulang mo at heto’t makakatanggap ka na lang nga balita from your friends na nasa social media ang pinasimulang tsismis ng Presidente na tawag nga ng dalaga sa president ay “Sh*tty!”
Nasa US of A si Frankie at doon nagaaral. Syempre, worried siya bilang anak nina Sen. Kiko at Mega sa “nega” na balita na walang katotohanan na from this country’s president pa nagpasimula.
May paalala si Mega sa anak na very worried sa sitwasyon nilang mag-asawa kung paniniwalaan ang tsismis na pinagmulan ng tsismoso. Ayon sa message sa Instagram ni Mega: “Don’t worry about the little things. You know the truth and that’s what matters. And that I love you more than life itself!”
Kasi naman, si Digong itsinismis na “pinapaalis na” ng Megastar sa kanilang bahay ang asawang senador na FAKE News ang itsinika ng pinuno ng Pilipinas dahil sa last night ng wake-vigil ng ina ni Kuya Boy Abunda sa Arlington (Araneta Ave sa QC), sabay na nakiramay pa ang mag-asawa. Deadma sa kumalat na balitang hiwalayan.
Say ni Mega sa opinion ng anak: “Di ko hawak ang mga utak ng mga anak ko, and after all, we’ve raised them all and have always encouraged them to express themselves and stand up for what they believe to be right, I will continue to let her be.”