ISA LANG ang sinabi ni Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez sa anak na si Danzel Fernandez nang mag-decide ito na pasukin ang showbiz bilang isang artista.
“Galingan ko daw,” sabi ni Danzel na bilin ng ama.
Isang Lasalista sa Taft si Danzel na kumukuha ang business course sa DLSU.
Kuwento ni Danzel sa amin during the media conference ng first movie niya na OTMUL na handong ng Horseshoe Studios at ni Direk Joven Tan para sa mga Pinoys na mahilig manood ng mga pelikulang “atin” para sa Metro Manila Film Festival 2018 na magsisimula na next week, December 25.
Sa pagpasok ko sa mediacon venue, nagulat ako kung bakit andun ang dating artista na hindi ko nalaman na isa pala si Danzel sa mga artistang ipinakilala that evening.
Matsika ang binata nina Dan at Shiela. Hindi mahiyain na pinaghandaan talaga ang pagpasok niya sa showbiz dahil magaling ito magsalita at magpaliwanag.
Sa maikling Q and A (question and answer) namin with Danzel, we’ve learned from him na naka-based siya sa Manila dahil sa studies niya. He lives sa isang condo unit near DLSU at kung hindi busy sa pag-aaral with his assignments ay nakakauwi siya sa kanila sa Sta, Rosa.
Sa kaalaman ng lahat, si Danzel ay isang Dean’s Lister at hindi pabaya sa kanyang studies na rason na rin para payagan siya ng parents niya na pasukin ang showbiz.
Sa pelikulang OTMUL, dalawang showbiz newbie ang ipinakilala ni Direk Joven. Bukod kay Danzel ay first movie din ito ng basketbolista na si Ricci Rivero.
Reyted K
By RK Villacorta