ISA PO ANG inyong lingkod sa mga naimbitahan sa presscon ng ANC, ang news channel ng ABS-CBN. At siyempre nandoon ang iba’t ibang tanong ng mga mga kapwa natin showbiz writers. At tila hindi maawat na tawanan ang na-experience ng press people at pati na ang mga executives ng nasabing channel. Ito ay lalo na sa walang sawang pagpapatawa naman ng beteranong newscaster na si Tony Velasquez na masasabi kong distinctly articulate at talented. Hindi naman pahuhuli si Ces Oreña-Drilon sa mga spontaneous na sagot sa mga maintrigang tanong sa kanya. Bagay na tahasan ko ring itinanong ay kung payag siyang ako rin ang mag-interview sa kanya at ‘di naman siya nag-atubiling sumagot at pumayag.
Marami pang balita at impormasyon ang inihanda ng ANC ngayong buwan ng Oktubre. Ang news channel ng ABS-CBN na ito ay mapapanood sa Sky Cable Channel 27. Sila ay nagdagdag ng mas lalo pang magagandang current affairs program at makabagong primetime news telecast sa hanay ng mahuhusay na broadcast journalists upang maghatid ng 24/7 na balita.
Ibinalik nila sa ANC ang programang Pipol ni Ces na napanood noon sa ABS-CBN simula 1999 hanggang 2006. Ito ay tumutukoy sa mga pribadong buhay ng mga kontrobersiyal at interesanteng tao. Ito ay mapapanood tuwing Lunes, 9:30 ng gabi. Samantala, nabanggit naman ni Ces na ang isa sa mga dream interview niya at feature ay ang buhay ng Superstar na si Nora Aunor at ang business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco. Naks! Ako man ay ganito ang nais, ang maka one-on-one interview si La Aunor para sa aking column.
Upang maghatid naman ng una at sariwang balita, kasama na ang kilalang broadcast journalist na si Pinky Webb sa morning news and talk program na Mornings@ANC. Sa loob ng dalawang oras na programa na punung-puno ng balita at kaalaman, makakasama ni Pinky bilang co-anchors sina Ron Cruz, Ginger Conejero at Paolo Abrera.
Samantala, ang primetime newscast namang Primetime on ANC, tuwing 8:00 ng gabi ay pangungunahan naman ng mahusay at beteranong news anchor na si Tony Velasquez kasama ang dating ABS-CBN North America Bureau correspondent na si Karmina Constantino upang maghatid ng pinakamalalaking balita ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa pati na rin ang mga up-to-date na balita sa teknolohiya at social media.
Bahagi naman ng ANC’s October treat ay ang longest running newscast Dateline Philippines. Kasama ang anchors at journalists na sina Gigi Grande at TJ Manotoc upang maibigay ang mga balita at istorya sa buong bansa tuwing alas-12 ng tanghali.
Ang isa pang dapat aba-ngan ay ang pagbabalik ni Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. sa editorial journalism via Teditorial, isang dalawang-minutong commentary segment sa piling ANC news programs upang ipaabot ang kanyang pananaw sa mga pinakasariwang balita.
Palagiang tumutok sa tanging 24/7 news channel sa bansa, ang ANC at huwag palampasin ang mga bago nilang konsepto at programa. Gayunpaman, ang ANC na kinonsepto sa mga shows na halos ay wikang Ingles ay mapapanood din sa ibang bansa via The Filipino Channel ng ABS-CBN.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments, ideas and suggestions, email: [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia