NAKS! BIGYAN natin ng pansin ang ating panayam sa isang magandang dilag na si Binibining Unibersidad 2013 Kimberly Hankenson, 18 years old of Tagaytay. Natiyempuhan kasi natin ang mga beauties sa bakuran ng GMA-7 sa walang kakupas-kupas na Walang Tulugan ni Kuya Germs. Makikita ninyo, ako ang muse nila sa picture at nakaupo pa kamo ako, hehe… kasi ba naman eh, mapaikutan ka ng magaganda at mga seksing dalag… ay, dilag pala. Kaya para maganda ang pictorial, ayun, ako ang naaupo sa gitna, naks! The beauties and the beast ang dating, haha! ‘Eto at pasadahan na natin ang kuwento.
KIMBERLY HAKENSON is taking up BS Tourism at Rogationist College. Naks, baka maubusan ako ng baong English at mag-nose bleed ako, hehe! Paano ka napunta diyan sa Binibining Unibersidad? “Ah, hahahah! Ako, hindi talaga ako nag-e-expect na ako ang mananalo.” (Sabay hampas sa hita ko. Nakakatuwa siguro ang mga tanong ko, hehe…)
Then, sino ang naka-discover sa ‘yo? “Actually, every school, college and universities are required para magpadala ng delegate.”
Ang galing naman! Ikaw ang tapos napili nilang manalo. Ano ang mixed blood mo girl? “My dad is Brit (British) and my mom is Visaya from Aroroy, Masbate.”
Pero, marunong kang mag-Visaya? “Nakaka-intindi po, pero I can but a little.”
So, ano ang hilig mo kapag nasa bahay ka? “Ako, wala. I love to read.”
Ah, anong year mo na sa college? “Incoming fourth year po.”
Halimbawa, in-offer-an kang mag-artista, ano, papayag ka ba? “As of now, no. It’s not my thing.”
Ah, your priority is your studies. How about your dad, nu’ng nakita ka niyang ganyang level ka na, ano ang sabi niya sa ‘yo? “Actually, the funny thing was, hindi nila alam na kasali ako. Sinabi ko lang sa kanila noong Coronation Night na. Hindi nila alam, sobrang gulat nila.”
Ano’ng naging tanong sa ‘yo na naipanalo mo? “Actually, very easy lang. How does your school promote environmental awareness and effectiveness? It came from a designer judge. So, reiterate the four R’s (Reuse, Reduce, Recycle and Recover), and then I elaborated it further. Tapos, ‘yun, PAK! I won.”
Wow naman four ‘R’ pala ‘yung sikreto, hehe! So, how about your studies, mataas naman ang grades mo?
“Opo, I am running for cum laude. I’m also planning to take up entrepreneurship after this.”
Ang galing, kasi ‘yun ang kailangan ngayon, lalo’t nasa 3rd world country tayo. Kung wala ‘yan, walang mangayayari, we’re useless. Ano’ng iniisip mo pa bukod du’n? “Wala, bahay lang, aral.”
How about singing? “Yeah, I sing, I dance. I do taekwondo.”
Ay, grabe ‘yan, ah! ‘Di ang sipa mo, ang taas. ‘Pag meron kang naka-partner na lalaki, dale siya. Hehe! “Lalaki, bawal ‘yun, aral muna. Hihihihi! No, I mean, ‘pag nilabanan mo partner at tinamaan, oo.”
Ngayon wala ka pa namang boyfriend? “Wala. Uhm… single but not double, haha!”
Galing. Priority muna ang studies at saka ‘yung future. Ilan kayong magkakapatid? “Three, Im the eldest.”
Panay babae? “No, girl ,boy, girl…”
‘Yung mom mo alam na ‘andito ka ngayon? “Yeah, kasi alam na nila since Coronation Night na kaya alam nilang ‘andito ako.”
Alam mo ba, si Ms. Quirino, she’ my friend. “Ah… actually, they are offering me to join, ‘yung Ms. World Philippines Pageant. Tapos si Rene Salud for Mutya, gusto ko ring mag-Mutya.”
Oo nga naman, small world to all beauties, hehe! Ah, si Rene kaibigan ko rin ‘yun. “Siguro po, after graduation na lang lahat ‘yun.”
Sige ‘pag gusto mo i-pursue ang beauty pageant, sabihin mo lang si Maestro Orobia kamo.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp#. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia