MARAMI ANG NAGULAT sa balitang four months and a half pregnant ngayon ang teen actress na si Andi Eigenmann. Isang emosyonal na Jaclyn Jose ang humarap kamakailan sa ABS-CBN News (while she was taping an episode of Maalaala Mo Kaya) para kumpirmahin ang pagbubuntis ng kanyang anak.
“I just want to tell everyone that, yes, it’s true, my daughter is pregnant. Hindi madali pero kailangan kong tanggapin kasi anak ko siya at mahal ko siya. Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ako at ang kanyang pamilya,” Jaclyn said.
Hindi man niya pinangalanan ang ama ng baby ay sinabi naman niya na ito ang unang boyfriend ni Andi. “Wala na sila noon. Iniwanan siya noong nabuntis siya. I’m okay with that. I don’t want to talk about him anymore. I don’t have business with him. I feel angry every time I think of him but that’s over na,” she said.
Naging honest si Jaclyn nang sabihin niya na talagang nasaktan siya nang malamang buntis si Andi. Pumunta raw siya agad sa simbahan pagkatapos i-pagtapat ng kanyang anak ang maselang kalagayan nito. “Una siyempre, ang una mong pupuntahan simbahan. Mananalangin ka. Ibigay mo na lang sa Kanya lahat. Sabihin mo, ‘Ama, ikaw na ang bahala. Hindi ko kaya ito. Kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin ko ito.’ Ang ibinigay niyang desisyon siyempre kaila-ngan kong tanggapin.” Nauunawaan ko ang damdamin at pinagdaraanan ngayon ni Jaclyn bilang isang ina. Mahirap man pero kailangan niyang maging matatag lalo na sa mga panahong ito na sa kanya kumukuha ng lakas at tapang si Andi.
Jaclyn’s main priorities right now are Andi and her baby. Despite what happened she is still proud of her daughter dahil sa desisyon nitong huwag i-palaglag ang baby. Their family supports Andi’s decision because they love her.
Nakiusap din siyang huwag husgahan ng mga tao si Andi dahil sa nangyari sa kanya. “Alam ko may pagkakamaling nagawa iyong anak ko. Hindi ko sinasabing tama, ang puwede ko na lang sabihin huwag na lang husgahan. Bigyan na lang siya ng pagkakataon tutal buhay naman iyan. Humihingi ako ng pang-unawa sa audience, sa fans ni Andi.” She added, “Definitely, the baby is a blessing.”
Dati nang nauugnay ang pangalan nina Albie Casiño at Jake Ejercito kay Andi kaya hindi maiiwasan na pati sila ay masangkot sa pregnancy issue. Albie’s family welcomes a DNA test but Andi’s family declined to comment on this. Sa kanyang Twitter account, Jake asked the public not to jump to conclusions at ipagdasal daw sina Andi, ang baby, at kanyang pamilya.
Marami pang mga isyung mabubuksan sa mga darating na panahon but let’s all pray that Andi will not have a difficult time with her pregnancy and that she will have a safe delivery. Andi deserves respect and dignity. We wish her well.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda